Labis na pag-upo, parang paninigarilyo, nagdudulot ng bara sa puso: eksperto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labis na pag-upo, parang paninigarilyo, nagdudulot ng bara sa puso: eksperto

ABS-CBN News
Published Nov 07, 2017 10:58 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
May masamang epekto sa kalusugan ang labis na pag-upo, ayon sa mga eksperto.

Paliwanag ng grupong BPO Industry Employees Network (BIEN), maraming nararanasang problema sa kalusugan ang mga call center agent sa kabila ng magandang sahod.

Hindi kasi kontrolado ng isang ahente ang pagpasok ng mga tawag sa telepono kaya hindi sila basta-basta nakakatayo para makapag-banyo o uminom man lang ng tubig.

Ayon kay Mylene Cabalona, tagapagsalita ng BIEN, karaniwang sakit ng mga nasa business process outsourcing industry ang urinary tract infection. Mayroon ding mga nagkakasakit sa bato.

Ayon naman kay Dr. Susan Mercado, marami pang ibang sakit ang maaaring makuha sa labis na pag-upo.

Maihahalintulad aniya sa paninigarilyo ang epekto nito sa kalusugan.

Paliwanag niya, ang pag-upong umaabot sa walong oras o higit pa ay hindi maganda sa daloy ng dugo at maaaring makapag-ipon ng taba na makakaapekto naman sa puso at maaaring ikamatay.

Ilang sakit na maaaring makuha ay cardiovascular diseases na puwedeng magdulot ng heart attack o stroke, cancer, at diabetes.

Dagdag pa ni Mercado, kulang pa ang 5 minutong break kada 2 oras dahil kailangan ang paggalaw kada 30 minuto.

Naglabas ng kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bigyan ng 5 minutong break kada 2 oras ang mga manggagawang madalas nakaupo sa trabaho gaya ng mga nasa opisina, transportation sector at mga nasa BPO tulad ng call center agents.

Nailathala ang kautusan noong Nobyembre 4 at nakatakdang maging epektibo sa Nobyembre 19.

Samantala, tingin ng Employers Confederation of the Philippines, sobrang dami na ng gustong ipatupad na panuntunan ng pamahalaan.

"We're very protective, very restrictive. We come out with rules that only create problems for management," ani Donald Dee, presidente ng ECOP.

Kamakailan lang, iniutos din ng DOLE ang pagbabawal sa sapilitang pagpapasuot ng high heels sa mga trabahong nangangailangan ng mahahabang oras ng pagtayo.

-- Ulat nina Zen Hernandez at Oman Bañez, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
TV Patrol Top
Zen Hernandez
hanapbuhay
kalusugan
health
Department of Labor and Employment
DOLE
standing break
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT