Mataas na takong, matagal na tayuan sa trabaho, ipagbabawal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mataas na takong, matagal na tayuan sa trabaho, ipagbabawal

Mataas na takong, matagal na tayuan sa trabaho, ipagbabawal

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2017 10:51 PM PHT

Clipboard

Ipagbabawal na ng Department of Labor and Employment ang sapilitang pagpapasuot ng high heels sa trabaho. Imamandato na rin ang may bayad na break sa mga manggagawang dalawang oras nang nakatayo.

Pinirmahan na ni Labor secretary Silvestre Bello III ang department order na nagbabawal sa sapilitang pagpapasuot ng high heels lalo na sa mga trabahong nangangailangan ng mahabang panahon ng pagtayo.

Sa ilalim ng kautusang ito, bawal na ang sapilitang pagpapasuot ng lahat ng takong na lagpas isang pulgada.

Kailangan ding bigyan ng paid o bayad na 15 minutong break o pahinga ang mga manggagawang dalawang oras nang nakatayo.
Bawal silang kakaltasan sa suweldo kapag nagpapahinga sa loob ng 15 minutong break.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Working Conditions (BWC), masama sa kalusugan ang tuloy-tuloy na pagtayo nang mahigit dalawang oras na pinapalala pa ng puwersahang pagsusuot ng matataas na sapatos.

Paliwanag pa ni Dr. Teresita Cucueco ng BWC, ang matagalang pagtayo ay maaaring maging sanhi ng iba't ibang problema sa gulugod, kasu-kasuan at binti.

Ikinatuwa naman ng labor group na Alliance of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang department order na malaking tulong anila sa mga sales lady, waitress, lady guard at iba pa.

Ayon naman sa Employers' Confederation of the Philippines (ECOP), matagal nang ipinatutupad ng mga employer ang 15-minute break sa kanilang mga empleyado.

Epektibo na ang department order ng DOLE matapos ang 15-day publication.

Maaari naman umanong amyendahan ito kung may madadagdag na mungkahi mula sa mga employer at grupo ng manggagawa.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.