4 araw matapos ang 'Rolly': Ilang bahay sa Albay lubog pa rin sa lahar, baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 araw matapos ang 'Rolly': Ilang bahay sa Albay lubog pa rin sa lahar, baha

ABS-CBN News
Published Nov 05, 2020 07:37 PM PHT

CAMALIG, Albay — Lubog pa rin sa baha at lahar ang ilang bahay sa Albay matapos ang hambalos ng bagyong Rolly noong Linggo.

Walang malaki o maliit na bahay na pinili ang bagsik ng pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.

Sa Sitio Sogong, halos lahat ng bahay ay nalubog sa baha at lahar.

Si Evelyn Nieva, hanggang tanaw na lang muna sa bahay niya na lubog sa baha 4 na araw matapos ang hagupit ng bagyo.
Si Evelyn Nieva, hanggang tanaw na lang muna sa bahay niya na lubog sa baha 4 na araw matapos ang hagupit ng bagyo.
ADVERTISEMENT
"Nakakaiyak, wala ka nang bahay," ani Nieva.

Hindi rin makapasok sa lubog na bahay niya si Lea Nocete.

"Walang matulugan, wala ang mga damit, naubos mga gamit," ani Nocete.

Ngayong Huwebes, may ilang residente nang nagpumilit umuwi ng bahay para maglinis matapos bumaba ang lebel ng tubig-baha.

Pero nanlumo si Judy Trisinio sa dinatnan dahil kinalawang na ang makinang pantahi na pinagkukuhanan niya ng kabuhayan.

"Sira na po 'yan kasi naano na po ng kalawang na maputik," hinaing niya.

Nasa gilid ng dike ang mga bahay sa Sitio Sogong kaya madaling pinasok ang mga bahay nila ng baha.

Samantala, tuloy tuloy na ang clearing operations para maalis ang tambak na mga lahar. Pero panawagan nila ay mga equipment para mapadali ito.

Bukod sa heavy equipment, nagbabayanihan na rin ang mga residente sa paggawa ng madadaanan ng tubig papunta sa dike para humupa na ang tubig sa mga lubog pang bahay.

— Mula sa ulat ni Jose Carretero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT