PatrolPH

Bakit quarrying ang sinisisi ng mga residente sa lahar flow noong 'Rolly'

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2020 07:25 PM | Updated as of Nov 04 2020 08:00 PM

Bakit quarrying ang sinisisi ng mga residente sa lahar flow noong 'Rolly' 1
Naperwisyo ng lahar ang mga bahay sa Purok 4 at Purok 6 sa Barangay San Francisco, Guinobatan, Albay nang manalasa si bagyong Rolly. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Patuloy ang clearing operations sa mga bahay at kalsadang napuno ng lahar sa Albay tatlong araw matapos manalasa ang bagyong Rolly sa Bicol region.

Sabi sa TeleRadyo ni Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo, karamihan sa mga residente ay nasa evacuation center pa at hindi pa makabalik sa kani-kanilang bahay dahil balot pa ng lahar mula sa bulkang Mayon.

Pero ang iba, wala na talagang uuwiang bahay matapos mawasak ng bagyo.

Maaalalang sa quarrying isinisisi ng mga residente ang nangyaring lahar flow sa kasagsagan ng hambalos ni Rolly.

Ito rin ang sumbong nila sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, dahilan para ipaimbestiga nito ang naturang gawain.

Pormal na ring inatasan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagtigil sa quarrying sa may Mayon volcano.

"I directed the suspension of all these 11 or 12 operators, including suspending all quarry operations around the volcano habang mayroon pa itong mga sumusunod na mga typhoons para naman ma-prevent na itong mga maaaring mangyari ulit," ani Cimatu.

Sinegundahan naman ito ni Albay Governor Al Francis Bichara, pero sinabi niyang walang epekto ang quarrying sa pag-agos ng lahar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.