Baha sa ilang lugar ng Pampanga, aabot sa 5 talampakan; mga residente nagbangka na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baha sa ilang lugar ng Pampanga, aabot sa 5 talampakan; mga residente nagbangka na

Baha sa ilang lugar ng Pampanga, aabot sa 5 talampakan; mga residente nagbangka na

ABS-CBN News

Clipboard

Dulot ang pagbabaha sa ilang lugar sa Pampanga ng mga nagdaang bagyong Pepito at Quinta. Mga larawan mula sa Candaba MDRRMO Facebook page

Umabot na sa hanggang 5 talampakan ang baha sa ilang bahagi ng Pampanga at inaasahan ng mga residente sa probinsya na tataas pa ito dahil sa paparating na bagyong Rolly.

Ang ilan sa mga taga-Candaba, nagbabangka na dahil hindi na madaanan ang ilang kalsada bunsod ng baha na aabot sa 2 hanggang 5 talampakan.

Dulot daw ito ng mga nagdaang bagyong Pepito at Quinta.

Lubog na din sa baha ang mga barangay hall, covered court at paaralan sa Candaba.

ADVERTISEMENT

Inaasahan ng mga residente na tataas pa ito lalo’t nakakaranas na naman ng kalat-kalat na pag-ulan ang lalawigan na epekto ng bagyong Rolly na inaasahang tatama sa ilang bahagi ng Central Luzon sa Linggo o Lunes.

Samantala, sinuong ng ilang kabalen sa bayan ng Macabebe ang hanggang dibdib na taas ng baha sa ilang sementeryo para makahabol sa pagdalaw sa kanilang mga yumaong kaanak.

Aabot sa 1 hanggang 4 na talampakan ang taas ng baha sa iba’t ibang mabababang baranggay ng Macabebe. Baha rin ang ilang bayan, munisipyo, palengke at mga paaralan doon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nitong Biyernes, minadali na ng lokal na pamahalaan ang pagpapagawa ng emergency evacuation sakaling kailanganin ito. Siniguro naman nilang sinusunod ang health and safety protocols para hindi magkahawahan ng COVID-19 sa mga evacuation centers.

Umarangkada na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga bahang baranggay para mamigay ng relief goods sa mga apektadong residente.

— Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.