Tribong Kalanguya sa Nueva Vizcaya nag-alay ng ritwal para sa kandidatura ni Isko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tribong Kalanguya sa Nueva Vizcaya nag-alay ng ritwal para sa kandidatura ni Isko

Tribong Kalanguya sa Nueva Vizcaya nag-alay ng ritwal para sa kandidatura ni Isko

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-alay ng ritwal ang tribong Kalanguya at ilang opisyal sa bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya para kay presidential aspirant at kasalukuyang Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa pagbisita ni Domagoso nitong Sabado ng umaga, nagsagawa ng ritwal ang mga Kalanguya na pinangunahan ni Mayor Tidong Benito at ang council of elders doon.

Ang nasabing ritwal ay pagtanggap kay Domagoso bilang “adopted son” ng tribo.

Highlight ng ritwal ang pagkatay ng baboy kung saan ang pagsirit ng dugo nito ay sinadya upang itaboy ang masasamang espiritu.

ADVERTISEMENT

Naglagay din sa noo ni Domagoso ng dugo gamit ang patalim na pinanggilit sa baboy kung saan ay kumakatawan naman ito sa proteksyon mula sa Itaas.

Bilang adopted son, nanumpa ang mga Kalanguya na kanilang bibigyang proteksyon at tutulungan si Domagoso maging sa kanyang pangangampanya.

“Tandaan ninyo, October 30, 2021, ipinanganak si Isko Moreno sa bayang ito. Ang mga Kalanguya ay meron na pong pananagutan, dadalhin ang pangalang Isko Moreno papunta sa Malakanyang. Hindi lang po ang mga Kalanguya, sapagkat andito rin po ang ibat ibang tribu sa Nueva Vizcaya,” ani dating Mayor Teodorico Padilla Jr.

Tinatayang mahigit 1,000 tao kasama ang ilang lokal na opisyal mula sa 15 bayan ng lalawigan at mga pinuno mula sa mga kalapit na lalawigan ng Nueva Ecija ang dumalo sa pagtitipon.

Sabi pa ni Padilla na ang pagtitipon ng mga tao mula sa iba't ibang sektor ng lipunan sa Nueva Vizcaya at mga malalayong probinsya ay nagpapahiwatig ng simula ng suporta ng masa para kay Domagoso sa Northern Luzon.

Dagdag pa ni Padilla: “Kapag si Isko Moreno ang naging pangulo, kayong mga tribo sa Nueva Vizcaya, sa Santa Fe, sigurado kapatid niya ang mga ito, hindi niya kayo pababayaan.”

Kasama ni Domagoso ang kaniyang running mate na si Dr. Willie Ong at 3 sa senate slate ng Aksyon Demokratiko na bumisita sa lalawigan.— Mula sa ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.