Metro Manila mananatili sa Alert Level 3 hanggang Nobyembre 14 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Metro Manila mananatili sa Alert Level 3 hanggang Nobyembre 14

ABS-CBN News
Published Oct 29, 2021 06:53 PM PHT
|
Updated Oct 29, 2021 08:43 PM PHT

MAYNILA - Mananatili sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Nobyembre 14. Ito ay sa gitna ng gumagandang sitwasyon sa rehiyon pagdating sa mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Paliwanag ng Malacañang, kailangang dahan-dahan pa rin ang mga gagawing pagluluwag para mapigilan ang muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Inaprubahan na rin ng pandemic task force ang rekomendasyong taasan ang passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan.

"Inuunti-unti natin ang pagbaba ng alert level nang sa ganu'n ay hindi naman biglang sumipa muli ang mga numero ng kaso ng COVID," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

ADVERTISEMENT
Ayon sa datos, nasa low-risk ang health system capacity ng Metro Manila na may 35.98 porsiyentong bed utilization rate at 46.37 porsiyentong critical utilization rate.

Nananatili ring negatibo ang positivity rate sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng Department of Health na pinaghahanda na nila ang mga lokal na pamahalaan para ipatupad ang Alert Level 2.

"How do we prepare? Kelangan po very capable ang local government to do PDITR cluster response. Kasi pag tinignan natin ang Alert Level 2 restrictions, maluwag na po 'yan. Although hindi po natin tatanggalin ang lahat ng restrictions. Yung 3Cs po, 'yan pa rin ang ating framework, pero of course mas maluwag 'yan kesa alert 3 and 4 kaya dapat handa tayo," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pinalawig naman ang pagpapatupad ng alert level system sa Central Luzon, Western Visayas, at Northern Mindanao. Isinama rin ang Baguio bilang "area for special monitoring" simula Nobyembre 1 hanggang 15.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
Alert Level 3
NCR Alert Level 3
Alert Level System
Alert Level System in NCR
quarantine restriction
NCR
Metro Manila
Covid-19
coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT