PatrolPH

Estudyante sa Davao de Oro tiklo dahil di makabayad umano ng P500k sa online sabong

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2021 03:40 AM

Arestado ng pulisya Lunes ng gabi ang isang 19 taong gulang na estudyante sa bayan ng Maco, Davao de Oro matapos umano bigong makabayad ng P561,000 sa online sabong.

Batay sa report ng Maco Municipal Police Station, humingi ng tulong sa pulisya ang supervisor ng Bong Fours Isobel Online Gaming Place.

Ito’y matapos natalo ang estudyante sa online sabong at hindi nakapagbayad ng bet money.

Ayon sa Maco Police, isa itong insidente ng swindling o kaya estafa.

Inihahanda na ng pulisya ang mga dokumento para sa kaukulang kasong kriminal na ihahain laban kay Suelto. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.