PatrolPH

PANOORIN: Gretchen Barretto tila enjoy sa paghuli ng manok na panabong

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2021 07:51 PM

Screengrabs from Gretchen Barretto's Instagram account
Screengrabs from Gretchen Barretto's Instagram account

Matapos pag-usapan noong nakaraang buwan dahil nakita sa sabungan, tila masbukas na ang aktres na si Gretchen Barretto sa kaniyang bagong pinagkakaabalahan na pagsasabong.

Sa isang video sa kaniyang Instagram na inilabas nitong Sabado, makikita na nag-e-enjoy ang aktres sa paghuli sa isang manok na nagawa pa niyang kantahan. 

Mapapansin na tila sanay na si Barretto sa paghawak ng manok lalo na ng tandang na ginagamit panabong.

Noong Agosto, nag-viral ang isang video tampok sina Barretto at Atong Ang na magkasama sa sabungan.

Kilala sa mundo ng cockfighting si Ang na nagmamay-ari ng e-sabong na Pitmasters Live.

Sa naturang video, si Barretto ang tinutukoy na may-ari ng panlaban na si Lady Tiger. Kita naman na si Ang ang naging handler ng manok sa isang laban.

Ginanap noong July 30 ang nasabing event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim), ayon sa video na kuha mula sa WPC 2029.

Dati nang magkasosyo sa ilang negosyo ang dalawa, kabilang na ang pag-o-operate ng sabungan at casino. Ito ang tinurong dahilan ni Ang noon kung kaya’t madalas din silang nagkakasama ni Barretto.

Pinakahuling nasangkot sa kontrobersya ang dalawa noong Nobyembre 2020, nang makuwestyon ang pagabisita nila sa Janiuay, Iloilo para makipagpulong sa sabong operators, dahil sa umano’y paglabag nito sa health protocols.

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.