Ilang lugar sa Davao City muling binaha dahil sa malakas na ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Ilang lugar sa Davao City muling binaha dahil sa malakas na ulan

Ilang lugar sa Davao City muling binaha dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY—Muling binaha ang ilang lugar sa lungsod na ito Martes ng gabi bunsod ng malakas na ulan.

Sa Barangay Mintal, halos umabot sa baywang ang lebel ng tubig-baha sa Purok 15 matapos umapaw ang creek. Umabot sa 20 indibidwal ang inilikas sa gym sa isinagawang preemptive evacuation.

Binaha rin ang national highway sa Crossing Puan.

Ayon sa city disaster risk reduction and management office, nakaapekto ang localized thunderstorms.

ADVERTISEMENT

Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa mga rescuer, humuhupa na ang tubig sa mga ilog at ang tubig baha.

Samantala, batay sa assessment ng lokal na pamahalaan sa matinding pagbaha noong Lunes dito, wala namang naiulat na casualty at missing sa pangyayari.

Aabot sa 850 na pamilya ang inilikas sa Laverna Buhangin at Barangay Matina, pero nakauwi rin matapos humupa ang baha.

Matatandaang binaha rin ang ilang bahagi ng lungsod nitong Lunes ng gabi. — Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.