PatrolPH

Higit 400 inilikas mula sa malalim na baha sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2021 07:36 AM

Daan-daang residente ang inilikas matapos umabot halos dibdib ang lalim ng baha sa Davao City dahil sa malakas na buhos ng ulan sa lungsod, Biyernes ng gabi.

Sinuyod ng Team Davao Rescue ang Central Park sa lugar ng Bangkal na lubog sa baha para mailikas ng mga residente.

 

Ayon sa Davao City disaster risk reduction and management office, nasa higit 400 na indibidwal ang inilikas mula sa mga barangay ng Crossing Bayabas, Catalunan Pequeño, Sto. Niño, Talomo Proper, at Communal.

Ayon sa PAGASA, bunsod ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang naturang ulan.

Unti-unting humupa ang baha at lebel ng tubig sa mga ilog sa ilang lugar sa lungsod Sabado ng madaling araw.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.