PatrolPH

Bahagi ng Davao City binaha dahil sa malakas na ulan; search, rescue ops isinagawa

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2021 03:10 AM | Updated as of Oct 26 2021 07:38 PM

Watch more on iWantTFC

DAVAO CITY—Binaha ang ilang bahagi ng lungsod na ito Lunes ng gabi dahil sa malakas na ulan.

Nagsimula ang buhos bandang alas-8 ng gabi at mabilis na tumaas tubig. Sa Laverna Hills Subdivision sa Buhangin, Davao City, umabot hanggang bubong ng mga bahay ang baha.

Binaha rin ang bahagi ng highway sa Buhanging Diversion Road.

Nagsagawa na ng search and rescue operation ang mga awtoridad para sa mga residenteng hirap nang makalabas sa kanilang mga bahay.

Isang Ronald Marco ang nagpadala ng bidyo sa group chat ng Fire Rescue Emergency para manawagan ng tulong. Aniya, umabot na sa 5 talampakan ang taas ng tubig.

Sa kasalukuyan ay wala pang naibibigay na impormasyon ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ukol sa bilang ng mga apektado ng baha. — Ulat ni Chrislen Bulosan

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.