Anak ni DOJ chief Remulla na inaresto dahil sa droga kinasuhan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Anak ni DOJ chief Remulla na inaresto dahil sa droga kinasuhan na

Anak ni DOJ chief Remulla na inaresto dahil sa droga kinasuhan na

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 20, 2022 02:26 PM PHT

Clipboard

Pormal nang sinampahan ng kaso sa korte ng Las Pinas City Prosecutor’s Office ang panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla na inaresto dahil sa droga.

Kinasuhan si Juanito Jose Remulla III ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa piskalya, base sa mga nakalap na ebidensiya ng mga awtoridad, kinakitaan nila ng probable cause o sapat na batayan para kasuhan si Juanito.

Sabi ni Atty. Jennah Marie Dela Cruz, Prosecution Attorney ng Las Piñas, pinag-aralan nilang mabuti ang mga inilatag na ebidensiya laban kay Juanito.

ADVERTISEMENT

"Based on the evidence presented to us, we recommended the filing of violation of Section 11 of R.A. 9165 which is possession of illegal drugs. Initially kasi what was filed were charges for violation of Section 4 which is importation of illegal drugs into the Philippines and also violation of 1401 of the Tariff and Customs Code," ani Dela Cruz.

"Since all the elements of those offenses happened in Pasay City, nakita ng opisina namin that the office that has jurisdiction over those offenses is Pasay City. 'Yung fact na ni-receive niya 'yung parcel here in Las Piñas City and parcel contains large amount of illegal drugs, 'yun 'yung kinarga namin sa kanya."

Nakapaloob sa inquest resolution na base sa affidavit ng customs examiner na nakadiskubre ang parcel ng marijuana, noong hapon ng October 4, 2022 idineklara ang parcel bilang “Hoodie Sweater” mula sa Amerika at ipinadala ng isang Benjamin Huffman mula sa San Diego California.

Naka-consign ang parcel kay Juanito Remulla na may address sa BF Resort Village sa La Piñas City.

Binuksan ang parcel sa harap ng mga tauhan ng PDEA at NAIA-IADTG para sa examination kung saan nadiskubre ang pinatuyong dahon ng marijuana.

Nitong October 10, 2022 naaprubahan ang request ng mga awtoridad ng controlled delivery operation.

Kinabukasan, October 11, 2022, ganap na 10:50 ng umaga, inihatid sa bahay ni Juanito ang parcel na tinanggap naman nito.

Dito na nagpakilalang PDEA ang mga operatiba na naghatid ng parcel at inaresto siya.

Ayon sa prosekusyon, non-bailable ang isinampang kaso laban kay Juanito dahil sa dami ng mga nadiskubreng marijuana sa kanya.

Ipinauubaya na ng Las Piñas City Prosecutor’s Office sa City Prosecutor ng Pasay ang paghawak sa mga kasong paglabag sa Section 4 ng Dangerous Drugs Act o Importation of Dangerous Drugs at paglabag sa Customs Modernizaton and Tariff Act.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.