Halalan 2022: Mga naghain ng kandidatura sa huling araw ng COC filing | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halalan 2022: Mga naghain ng kandidatura sa huling araw ng COC filing

Halalan 2022: Mga naghain ng kandidatura sa huling araw ng COC filing

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 08, 2021 08:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE)— Naging mas abala ang mga tauhan ng Commission of Elections nitong Biyernes, ang huling araw ng pagtanggap ng mga certificate of candidacy at certificate of nomination and acceptance ng mga nais sumabak sa halalan sa 2022.

Buena mano sa mga kandidato si Iluminado Macalalad.

Sa di inaasahang hakbang, tatakbo namang pangulo si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, bilang standard bearer ng PDP-Laban, na naghain ng kaniyang COC sa huling oras ng candidacy filing.

Tatakbo rin sa pagkapangulo ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Ernesto Abella, na tatakbong independent candidate.

ADVERTISEMENT

Sinamahan naman ni Vice President Robredo ang kaniyang running mate na si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan sa paghahain nito ng certificate of candidacy para sa pagka-pangalawang pangulo.

Matapos maghain ng kandidatura, sinabi ni Pangilinan na aminado siyang nakakasa na sana siya na tumakbo muli bilang senador.

Pero hindi niya maitanggi ang alok ni Robredo na tatakbo sa pagkapangulo.

Susubok naman sa kaniyang ika-2 termino sa Senado si Sen. Sherwin Gatchalian.

Naghain din ng kandidatura ang ilang mga naging miyembro ng gabinete ni Duterte gaya ni Department of Information and Communication Technology Sec. Gringo Honasan, dating chief legal counsel na si Salvador Panelo, Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, ang aktor na si Robin Padilla, maging si Agrarian Reform Secretary John Castriciones, at ang kongresistang si Rodante Marcoleta.

Naghain din ang nakapiit na senador na si Leila De Lima ng kandidatura para muling sumubok sa Senado; ito ay sa pamamagitan ng kaniyang mga abogado.

Naghain din ng kaniyang kandidatura si dating senador Antonio Trillanes IV.

"I was never vocal about running for vice president. If VP Leni runs for president, I will run for senator, 'yun po ang decision ng aming grupo," aniya.

Nais ding maging senador ni dating Agriculture secretary Manny Piñol sa ilalim ng tambalan nina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ng Nationalist People's Coalition.

Ipinaghain din ng COC ng kaniyang mga kinatawan ang negosyante at YouTuber na si Francis Leo Marcos bilang senador. Nauna na siyang inaresto dahil sa paglabag umano sa optometry law.

Naghain din ng kandidatura ang dating ABS-CBN anchor at dating Vice President na si Noli De Castro.

Nang tanungin bakit niya nais bumalik sa pulitika: "Iisa lang po ang sagot ko… Noong ako’y maging senador, tatlong taon lamang, sabi nila… Eh puwede ka namang maglingkod habang nasa radyo at telebisyon pero iba po ang paglilingkod pagdating sa Senado. Kaya after 3 years ipagpapatuloy ko ho yung 252 na batas na aking nai-file na." Binanggit ni De Castro ang ilan sa mga batas na naipasa niya gaya ng mga batas para sa matatanda, at maging batas para sa pag-quarantine.

Nagtutugma rin aniya ang adbokasiya nila ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kaya minabuti niyang sumama sa partido nito.

Samantala, naghain ng kaniyang kandidatura para sa reelection si Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Naghain na rin ng kandidatura sa pagka-bise alkalde si Councilor Junjun Concepcion sa Pasig City.

Naghain ng certificate of candidacy para tumakbong kongresista sa unang distrito ng Cavite si incumbent Vice Governor Jolo Revilla.

Orihinal na nakatira si Revilla sa Bacoor City, ang ikalawang distrito ng Cavite, pero lumipat na umano siya noong nakaraang taon sa Rosario na bahagi ng unang distrito.

Balak naman ng ina nito na si Bacoor Mayor Lani Mercado Revilla na tumakbong kongresista sa ikalawang distrito habang susubukan ni Rep. Strike Revilla na palitan siya sa pagka-alkalde.

-- May mga ulat nina Michael Delizo, Vivienne Gulla, at Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.