Marcos Jr. hinikayat na 'tapatan ng gawa' ang sinabing pagprotekta sa midya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marcos Jr. hinikayat na 'tapatan ng gawa' ang sinabing pagprotekta sa midya

Marcos Jr. hinikayat na 'tapatan ng gawa' ang sinabing pagprotekta sa midya

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hinikayat ngayong Huwebes ng isang journalism professor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na "tapatan ng gawa" ang sinabi niyang pagprotekta sa midya.

Sinabi ni Marcos sa kaniyang talumpati nitong Miyerkoles ng gabi na poprotektahan ng kaniyang administrasyon ang karapatan ng mga mamamahayag.

Ito'y ilang araw matapos barilin ang radio commentator na si Percival Mabasa, kilala bilang Percy Lapid, sa Las Piñas City nitong Lunes.

Matatandaang sinabi umano ng pangulo na nababahala siya sa nangyaring pagpatay kay Mabasa at ipinag-utos ng kaniyang opisina ang agarang pagresolba sa kaso.

ADVERTISEMENT

"Para sa pangulo... hindi sapat 'yung kaniyang retorika na siya ay 'concerned' sa nangyayari," ani Danilo Arao, propesor sa University of the Philippines Diliman.

"Tapatan niya ng aktuwal na gawa 'yung kaniyang retorika at dapat siguraduhin niya na ito ay hindi na mauulit muli."

Dagdag niya, dahil sa pagpatay kay Lapid, at kung titingnan ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, tila "sinasampolan" ng mga nasa kapangyarihan ang "mga nasa news media organization at saka 'yung mga peryodista na kapag ikaw ay kritikal ito ang mangyayari sa 'yo."

Sa talumpati ni Marcos sa President's Night ng Manila Overseas Press Club, binanggit niya ang mahalagang papel ng midya sa komunidad.

"For all our vision and aspiration, I underscore the crucial role of the press in building an active citizen, one that contributes to the development of our society," sabi ng pangulo.

ADVERTISEMENT

"Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty."

Bumuo na ng special task group ang pamahalaan para busisiin ang nangyaring pagpatay kay Lapid.

Halos 200 na ang pinatay na peryodista mula noong 1986, ani Arao.

"At ngayon, wala pang 100 days (ng Marcos Jr. administration), meron nang mga pinatay na mga peryodista. Patuloy pa rin itong sinasabi na culture of impunity, 'yung chilling effect," sabi niya.

"Hindi sapat ang salita para i-articulate 'yung galit at ngitngit na nararamdaman natin ngayon. Kasi hindi lang ito dahil nangyari ito sa Maynila. Kundi ang fundamental na isyu dito, ba't nagpapatuloy pa rin ito magpahanggang ngayon," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.