#WalangPasok sa Sept. 27 dahil sa epekto ng bagyong Karding | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#WalangPasok sa Sept. 27 dahil sa epekto ng bagyong Karding

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2022 07:16 PM PHT
|
Updated Sep 27, 2022 01:06 AM PHT

MAYNILA (3rd UPDATE) - Dahil sa epekto ng bagyong Karding, walang pasok pa rin sa Martes, ika-27 ng Setyembre, ang mga estudyante sa lahat ng antas sa ilang lugar, ayon sa pahayag ng mga lokal na opisyal.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
Kabilang dito ang mga sumusunod:
BULACAN
- San Miguel
-San Ildefonso
BULACAN
- San Miguel
-San Ildefonso
QUEZON
- Polillo Islands
- Gen. Nakar
QUEZON
- Polillo Islands
- Gen. Nakar
ADVERTISEMENT
NUEVA ECIJA
PAMPANGA
- Candaba
PAMPANGA
- Candaba
TARLAC
-Bamban
TARLAC
-Bamban
“Hindi muna namin pinapapasok bukas ang lahat ng ating mga estudyante mula kolehiyo hanggang elementarya,” sabi ni San Miguel Mayor Roderick Tiongson sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo ngayong Lunes.

“Mga teacher siguro, pwedeng pumasok para lang maglinis, katuwang ang mga nanunungkulan sa bawat barangay, kasi marumi po sigurado,” dagdag niya.

Sabi ni Tiongson, may mga barangay sa bayan na nananatiling lubog pa rin sa baha isang araw matapos ang paghagupit ng bagyong Karding.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon naman ang nag-anunsyong walang pasok pa rin bukas sa “bayang lubos na napinsala ng bagyo”, partikular ang Polillo Group of Islands at Gen. Nakar.

Samantala, inilabas ni Gov. Aurelio Umali ang pabatid na "walang pasok sa lahat ng antas, pribado at pampubliko, bukas Septyembre 27, 2022 sa Lalawigan ng Nueva Ecija" bago ang anunsiyong isinasailalim na ang probinsya sa State of Calamity.

Tumama ang Karding sa Luzon nitong Linggo at nagdulot ng mga pagbaha at pagkasira sa mga kabahayan at ilan pang pasilidad.

Nitong Lunes ay kanselado ang pasok sa lahat ng paaralan at ng mga nagtatrabaho sa gobyerno sa buong Luzon dahil kay Karding.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT