Duterte nilimitahan ang pagdalo ng mga opisyal sa Congress hearings | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte nilimitahan ang pagdalo ng mga opisyal sa Congress hearings

Duterte nilimitahan ang pagdalo ng mga opisyal sa Congress hearings

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2021 10:28 PM PHT

Clipboard

Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 13, 2021.
Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 13, 2021. King Rodriguez, Presidential Photo

MAYNILA — Hindi na basta-basta maaaring dumalo sa pagdinig ng Kongreso ang mga miyembro ng gabinete na ipatatawag para sumagot sa katanungan ng mga mambabatas, batay mismo sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Duterte sa isang taped public address na pinalabas ngayong Martes, siya na ang kukumpas kung papayagan niya ang isang Cabinet member na dumalo sa Congressional hearings, tulad ng ginagawa sa Senado ngayon.

"This time, I will require every Cabinet member to clear with me any invitation. And if I think that he will be called for walang ano silbi except to harass, to be berated in front of the Republic, eh hintuin ko na ‘yan at pagbawalan ko na," aniya.

Giit ni Duterte, nasa kapangyarihan niya bilang chief executive ang utos na ito.

ADVERTISEMENT

"Well, I think I can do it as President really, if there is an abuse of authority there or exceeding the authority of the reasonable time that Congress conducts a hearing. I will limit you to what you can do with the executive department of the government."

Sinabi ito ni Duterte kasabay ng serye ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobyerno ng COVID-19 medical supplies noong 2020.

Ayon sa pangulo, hindi niya kinukwestiyon ang pagdinig ng Senado "in aid of legislation". Pero giit niya, nasasayang umano ang oras ng ilang resource persons na pinatatawag sa Senate hearings.

"Tama ba 'yang ginagawa ninyo? I mean, are you crazy? Bakit ganoon? Can you not approximate the time that you would take to make these persons testify, question and answer?" aniya.

"Instead of working, they are stuck attending hearings that last for more than 5 hours... It's a waste of time," dagdag niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, sinabi ni Duterte na wala siyang pakialam sa pag-uusisa ng Senado sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation na siyang nakakuha ng bilyon-bilyong kontrata sa gobyerno.

Kinukwestiyon kasi ng mga mambabatas ang pagkakapili sa Pharmally sa kabila ng pagkakaroon lamang na maliit na kapital at ang umano’y record ng mga opsiyal nito na may warrant of arrest pa pala sa Taiwan.

"Wala akong pakialam diyan Pharmally. You can crumple ang Pharmally, wala kaming pakialam diyan. Basta ‘yang pag-avail namin --- ang pakialam namin, nag-order kami, dumating, tama ‘yung nag-order, tapos ang presyo negotiated," sabi niya.

Noong nakaraang linggo, nabunyag na pinahiram pala ng pera ni dating Presidential adviser Michael Yang ang Pharmally para pondohan ang pagbili nila ng PPEs para sa gobyerno.

Ang "pagpabor" umano sa Pharmally ay nagresulta sa pagkalugi ng local PPE suppliers, na mas mababa naman daw ang alok na presyo kumpara sa baguhang kompanya.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.