The Correspondents CA Throwback: Ang mga pekeng ginto na 'yun pala'y tanso sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
The Correspondents CA Throwback: Ang mga pekeng ginto na 'yun pala'y tanso sa Pampanga

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published Sep 10, 2022 05:13 PM PHT

Pangkaraniwan na sa Pampanga ang kuwento ng mga Aeta na gumagawa at nagbebenta ng pekeng ginto.

Sa dokumentaryo ng programang 'The Correspondents' noong 2005, pinuntahan ng ABS-CBN News team ang isang liblib na komunidad ng mga Aeta.

Nakapanayam ni Karen Davila si 'Mang Ronnie,' miyembro ng grupong 'Salaginto' na tawag sa mga pekeng gold bar.

Gumagawa si Ronnie ng mga pekeng ginto na ibinebenta ng mga kapatid niyang katutubo.
Gumagawa si Ronnie ng mga pekeng ginto na ibinebenta ng mga kapatid niyang katutubo.
ADVERTISEMENT
May isang financier o tagapondo na nagpapagawa sa mga gaya ni Ronnie ng mga gold bar.

Personal niyang ipinakita sa ABS-CBN News kung paano nabubuo ang animo'y gold bar mula sa tanso na galing sa kaniyang financier.

"'Yan ay ginagawa 'yan, mano-mano lang, parang finu-furniture lang 'yan kasi 'pag may pinagagawa sila mayroon silang dalang sample gagayahin mo lang," kuwento ni Ronnie.

PANGANIB SA GINTO
Marami nang naiulat na insidente ng mga umasang makakuha ng ginto sa pagnanais na maging biglang-yaman.

May ilan nang nauwi sa panganganib ng kanilang buhay ang kanilang paghahanap.
May ilan nang nauwi sa panganganib ng kanilang buhay ang kanilang paghahanap.
ADVERTISEMENT
Isa na rito ang mayamang negosyante at treasure hunter na si Angelito Ting na umakyat sa bundok pero hindi na nakauwi nang buhay.

"Three to four times siyang umakyat sa Bamban, sa bundok eh. Nakikipag-negotiate siya pero at first, gusto lang niya makipag-build lang ng friendship," kuwento ng anak ni Ting na si Aldrake.

Apat na Aeta ang nakakulong sa pagkamatay ni Ting.

YAMASHITA'S TREASURE
Puno't dulo ng interes ng marami sa ginto ay dahil sa kuwento ng Hapon na si General Tomoyuki Yamashita na umano'y maraming ibinaong ginto nang matalo noong World War II.

Isa raw ang bulubundukin ng Bamban sa pinagbaunan niya ng ginto.
Isa raw ang bulubundukin ng Bamban sa pinagbaunan niya ng ginto.
ADVERTISEMENT
Pero para sa Mines and Geosciences Bureau o MGB na siyang sumusuri sa lahat ng mineral, nananatili pa ring isang alamat ang Yamashita's treasure.

"Ang sa aking palagay parang pinapalabas nila na 'yun 'yung mga treasure ng World War II na nakalimutan ng mga Hapon na iniwanan na lang dahil tatakbo na sila so 'yung mga Yamashita pinapalagay nila na galing sa mga southeast Asian nation," ayon kay Juancho Calvez, noo'y Chief of Metallurgy Division ng MGB.

Ipinakita ng MGB sa ABS-CBN News team ang prosesong ginagawa nila para malaman kung tunay o peke ang isang ginto.

Balikan ang naging paglalahad sa panganib na dulot ng mga pekeng ginto sa 'Salaginto,' dokumentaryo ng programang The Correspondents na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2005.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
Current Affairs
CA Throwback
Current Affairs Throwback
Karen Davila
gold bar
Yamashita treasure
Bamban
Pampanga
Aeta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT