PatrolPH

The Correspondents CA Throwback: Ano ang katotohanan tungkol sa 'Golden Buddha' ng Baguio City?

Sherwin Tinampay, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2021 05:04 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ilang dekada nang nakatago sa korte sa Baguio ang isang 'Golden Buddha' na isa sa pinakamalaking bahagi ng tinatawag na 'Yamashita Treasure,' kayamanang itinago umano ng mga Hapon noong World War II.

Dekada '70 nang matagpuan ito ng treasure hunters na sina Mang Val at kaniyang leader na si Rogelio Roxas sa ilalim ng isang ospital sa Baguio matapos ang dalawang linggong paghuhukay.

"Sa hirap mo ng ilang araw tapos makita mo iyon, tapos maliban doon nakasalansan pa ang mga bars na ganiyan, parang mawala ka sa sarili mo," kuwento ni Mang Val sa grupo ng ABS-CBN News na pinangungunahan ni Henry Omaga Diaz.

Dinala nina Roxas ang 'Golden Buddha' sa kaniyang bahay ngunit makaraan lang ang ilang linggo ay ni-raid sila ng mga militar, kinuha ito, inaresto si Roxas at tinortyur.

Tila bangungot ang nangyari sa pamilya ni Roxas. Pagbabahagi ng panganay niyang anak na si Henry, nagkawatak-watak silang mag-anak.

"Nagkahiwa-hiwalay kami. 'Yung mother ko kinuha nila uncle ko sa Amerika. Pumunta na sa States ang Mommy ko. Ako ho tinago ako sa Olongapo. 'Yung kapatid ko naman pong bunso tinago sa La Union. Masakit talaga ang loob, sir, gawang tinortyur pa ho ang father ko. Natabingi pa ho ang mukha niya. Muntik pang lumabas 'yung mata niya," ani Roxas.

May dala bang sumpa ang 'Golden Buddha' at naging miserable ang buhay ng pangunahing nakadiskubre nito?

Panoorin ang kabuuan ng dokumentaryo ni Henry Omaga Diaz sa 'The Correspondents' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2000.

RELATED LINK:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.