P3.4 bilyong 'droga' nasabat sa Zambales; 4 Chinese patay sa engkuwentro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P3.4 bilyong 'droga' nasabat sa Zambales; 4 Chinese patay sa engkuwentro

ABS-CBN News
Published Sep 07, 2021 05:09 PM PHT
|
Updated Sep 07, 2021 11:08 PM PHT

3 Chinese nahulihan ng shabu din sa Bataan

MAYNILA (2nd UPDATE) — Patay ang 4 na Chinese nationals sa anti-drug operation sa Zambales umaga ng Martes kung saan P3.4 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad.

Ito na rin umano ang pinakamalaking drug haul ngayong taon, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ang mga namatay na sina Gao Manzhu, Hong Jianshe, at Eddie Tan, na galing Fujian, China, at Youhua Xu, na residente naman ng Quezon City.

Si Xu, o mas kilala bilang si alyas Taba, ang isa sa mga umano'y pangunahing pangalan sa mga aktibidad patungkol sa ilegal na droga sa bansa.

Ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police Region 3 ang operasyon sa Zambales kung saan 500 kilo ng umano'y shabu ang nakumpiska.

Ayon sa pahayag ng PNP, nanlaban umano ang mga Chinese national at nagtangkang tumakas.

Sabi naman ni PNP chief Guillermo Eleazar, kilalang silang distributor ng mga ilegal na droga sa Metro Manila, Central Luzon, at Region 4.

Nangyari ang operasyon sa isang beach resort sa bayan ng Candelaria sa Zambales.

Narekober sa crime scene ang apat na armas, isang kotse, tatlong basic cellphone at isang smartphone, at dalawang Chinese passports.

Noong 2020, may 800 kilo ng hinihinalang shabu rin ang nasabat sa Bulacan. Parte ang buy-bust sa Zambales sa follow-up operation sa mga nasangkot sa Bulacan, ayon sa PNP.

Samantala, 3 Chinese din ang nahuli ng mga awtoridad sa bayan ng Hermosa, Bataan, matapos mahulihan ng 80 kilong umano'y shabu na nagkakahalaga ng P544 milyon.

Ayon sa PNP, may kaugnayan ang 3 naaresto sa naunang anti-drugs operation sa Candelaria.

— May mga ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
KAUGNAY NA ULAT
Read More:
crime Philippines
buy-bust operation Philippines
Zambales news
Zambales updates
crimes in Zambales
anti-drug operation
regional news
regional stories
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT