Chinese timbog sa pagbebenta ng shabu sa Cagayan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese timbog sa pagbebenta ng shabu sa Cagayan

Chinese timbog sa pagbebenta ng shabu sa Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard

Inaresto ang isang Chinese national sa Santa Ana, Cagayan nitong Miyerkoles ng umaga dahil umano sa pagtutulak ng shabu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, ikinasa nila ang buy-bust operation sa 38-anyos na negosyanteng si Lijun "Kevin" Cao matapos na makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal nitong gawain.

Nakumpiska umano sa suspek ang 34 na piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, kabilang na dito ang kaniyang ibinenta sa PDEA agent na nagpanggap bilang poseur buyer.

Sa pagtaya ng PDEA Region 2, umaabot ng humigit-kumulang 5 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang mga shabu na may katumbas na halagang P34,000.

ADVERTISEMENT

Kinuha rin ng awtoridad bilang ebidensya ang mga cellphone at sasakyan ng suspek.

Nasampahan na si Lijun ng reklamong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.