Pondong pang-memorial wall, idagdag na lang sa pang-benepisyo: health workers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pondong pang-memorial wall, idagdag na lang sa pang-benepisyo: health workers

Pondong pang-memorial wall, idagdag na lang sa pang-benepisyo: health workers

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2021 07:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa halip na magtayo ng memorial wall para sa health workers na nagbuwis ng buhay ngayong pandemya, dapat ilaan na lang ang pondo sa pambayad ng benepisyo ng mga medical frontliner, sabi ngayong Huwebes ng isang grupo.

Balak kasing magtayo ng gobyerno at pribadong sektor ng memorial wall para bigyang pugay ang mga pumanaw na health worker.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, tinatayang nasa P2 milyon hanggang P5 milyon ang halaga ng proyekto.

"Maliit lang po 'yon. Pero that memorial will always symbolize 'yong heroism... the expense na bibigay natin po doon, that's priceless," sabi ni Galvez.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), bakit hindi na lang idagdag ang milyon-milyong pondo pambayad sa mga benepisyo ng mga buhay pang health workers na halos 1 taon nang nangangalampag.

Umalma rin ang grupo sa pag-amin ng Department of Health (DOH) na wala itong hininging pondo para sa special risk allowance ng health workers sa panukalang 2022 budget.

"Doon pa lang sa budget na pinag-uusapan, hindi talaga prinayoridad ang kapakanan at kagalingan ng health workers," ani AHW President Robert Mendoza.

Sa budget deliberation para sa DOH ng Kamara, lumalabas na P34,000 ang 6 na buwang SRA kada health worker.

Kaya ang P2 milyon, halimbawa, halos 60 na agad ang puwedeng makinabang habang 147 naman ang maaaring mabayaran sa P5 milyon.

Ayon naman kay dating Health Secretary Esperanza Cabral, hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang hinaing ng mga health worker dahil maaaring bumagsak ang health care system.

Nitong mga nakaraang araw, nagdaos ng mga malawakang protesta ang mga health care worker para hilingin ang kanilang mga benepisyo at pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.

Umabot na rin sa rehiyon ang mga protesta, gaya sa Aklan Provincial Hospital na marami pang kawani ang hindi pa nakukuha ang SRA mula Disyembre 2020.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.