Pagbibitiw sa puwesto ni Duque hiling ng health workers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbibitiw sa puwesto ni Duque hiling ng health workers

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 01:33 PM PHT
|
Updated Sep 01, 2021 07:12 PM PHT

Ipinanawagan ng mga health worker ang pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III sa malawakang protestang idinaos nila ngayong Miyerkoles.

Kasama sa mga nakilahok sa protesta ang mga manggagawa mula Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine General Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at Tondo Medical Center.

Nagmartsa sila patungo sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila para hilingin ang pagbibitiw ni Duque dahil sa kabiguan ng pamahalaan na maibigay agad ang kanilang mga benepisyo.

Pero iginiit din ng mga manggagawa na hindi lang sa benepisyo nagpabaya ang DOH dahil wala rin umano silang sapat na proteksiyon sa araw-araw na pagsuong sa COVID-19.

ADVERTISEMENT
Ayon din sa grupo ng mga health worker, iilan pa lang ang nakatanggap ng ipinangakong special risk allowance (SRA).

Hindi pa rin anila naibibigay ang kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance at active hazard duty pay.

Ngayong Miyerkoles din ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH at Department of Budget and Management para ibigay ang benepisyo ng health workers.

Nasa P311 milyon ang pondong ibinaba para bayaran ang SRA ng higit 20,000 health workers.

Duda naman ang ilang health worker na aabot sa deadline ang mga ahensiya sa pagbibigay ng kanilang allowance.
Duda naman ang ilang health worker na aabot sa deadline ang mga ahensiya sa pagbibigay ng kanilang allowance.
ADVERTISEMENT
Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi naman ni Cristy Donguines, presidente ng JRRMMC employees union, na sa ngalan ng delicadeza ang panawagang pagbaba sa puwesto ni Duque.

Matagal na rin itong hiling aniya ng mga health worker at ordinaryong mamamayan.

Makailang beses nang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque pero kamakailan, sinabi nitong tatanggapin niya kung kusang magbibitiw ang kalihim.

Ikinagalit din ni Donguines ang sinabi ng DOH na naghahanap pa ito ng pondo para maibigay ang benepisyo ng mga manggagawa.

"Naghahanap? Napakalaking kalokohan naman po 'yon. Naghahanap sila ng pondo," aniya.
"Naghahanap? Napakalaking kalokohan naman po 'yon. Naghahanap sila ng pondo," aniya.
ADVERTISEMENT
"Kakalabas lang ng [Commission on Audit] report na P11.9 billion pa po na unused, unutilized na budget para sa manggagawang pangkalusugan... ang ni-release lang po nila P311 million," ani Donguines.

Sa NKTI, bagama't naibigay na ang hazard pay at SRA, kulang pa rin ito, sabi ni Edwin Pacheco, pangulo ng employees association ng ospital.

Napakasakit umano na kakapiranggot na benepisyo na lang ang ibibigay ay pinapahirapan pa sila ng DOH.

"Nakikipaglaban kami, nakiki-ano dito sa pandemiya na 'to pero bakit naman po pinagkakait ng gobyerno natin ang para sa amin naman po? Hindi naman namin 'to dapat ipag-rally pa," ani Pacheco.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na tuloy-tuloy ang ugnayan ng DOH at DBM para makakuha ng budget support sa dami ng benepisyong kailangang bayaran sa mga health worker.

Bago nito, nagdaos din ng protesta ang mga health worker noong Lunes kasabay ng Araw ng mga Bayani.

— May ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
health workers
protest
Jose R Reyes Memorial Medical Center
National Kidney and Transplant Institute
Department of Health
Francisco Duque
Duque resignation
health workers benefits
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT