Health workers nagprotesta para sa mga benepisyo ngayong Araw ng mga Bayani | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Health workers nagprotesta para sa mga benepisyo ngayong Araw ng mga Bayani

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2021 01:23 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2021 05:47 PM PHT

Kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani ngayong Lunes, ilang health workers na itinuturing na bayani ngayong COVID-19 pandemic ang lumabas sa kalsada para magprotesta dahil sa hindi pa nakukuhang benepisyo mula sa gobyerno.

Kasama rito ang St. Luke's Medical Center Employees Association, na idinaing na bugbog na nga sila sa trabaho, hindi pa nababayaran ng gobyerno ang mga ipinangakong benepisyo.

Ngayong Lunes ang ika-9 na araw mula nang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na ibigay ang benepisyo ng health workers.

Noong nakaraang linggo, sinimulan ang pagbabayad ng special risk allowance (SRA) sa higit 20,000 health workers gamit ang bagong babang pondo na P311 milyon.

Pero hindi naman lahat ng health workers ang nabigyan at hindi pa rin kasama roon ang iba pang benepisyo gaya ng meals, accommodation at transportation (MAT) allowance.

Sa St. Luke's, halimbawa, 1,000 lang sa 3,000 manggagawa ng ospital ang nabigyan ng SRA.

Sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila, nag-noise barrage at martsa rin ang mga health worker ng UST Hospital.

"'Yon 'yong pinakamasakit na ang pagbanggit natin sa mga bayani ay parang slip of the tongue lang, salita lang," sabi ni UST Hospital Employees Association President Donnel Siason, na ipinanawagan din ang pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.

Tiniyak naman ng mga health workers na nagprotesta na hindi nila napabayaan ang mga pasyente sa kabila ng pagkilos.

Nagprotesta rin ang health workers ng Our Lady of Lourdes Hospital at Calamba Medical Center.

Nag-noise barrage din ang staff ng National Kidney and Transplant Institute.

Sa kaso kasi ng government health workers, hindi pa nababayaran ang active hazard duty pay na ibinibigay sa mga pumasok habang may enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Maliban sa walkout ngayong Lunes, magkakaroon rin ang Filipino Nurses United (FNU) at iba pang health workers ng malawakang protesta sa Miyerkoles, Setyembre 1.

Duda umano ang mga health worker na magagawa ng gobyernong maibigay ang hinihingi nilang mga benepisyo hanggang Martes, ang deadline na ibinigay ni Duterte.

Sa Kamara, isinusulong ng Makabayan bloc na imbestigahan ang umano'y trilyong pisong savings ng pamahalaan.

Lumabas daw kasi sa mga budget deliberation na may savings mula 2017 na umaabot pa ng higit P1 trilyon noong 2020.

"Laging sinasabi walang pera… Walang excuse na hindi bayaran ang mga benepisyo ng health workers," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Isinusulong naman sa Senado na taasan ang benepisyo ng health workers sa 2022 budget.

Sa ngayon kasi, P227 lang kada araw ang SRA at P136 kada araw ang hazard pay.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, hindi rin dapat limitahan kung sino-sino ang makakatanggap ng mga benepisyo dahil pantay-pantay naman ang banta ng COVID-19 sa lahat ng nagtatrabaho sa ospital.

Ayon naman kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DBM para makakuha ng budget support sa dami ng benepisyong kailangang bayaran sa mga health worker.

— May ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
health workers
protest
walkout
St Luke's Medical Center Employees Association
University of Santo Tomas Hospital
Filipino Nurses United
benefits
special risk allowance
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT