Mga pasyente 'di papabayaan sa 'walkout' ng health workers: grupo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasyente 'di papabayaan sa 'walkout' ng health workers: grupo

ABS-CBN News
Published Aug 29, 2021 05:34 PM PHT
|
Updated Aug 29, 2021 06:34 PM PHT

Tiniyak ng grupo ng mga health worker na hindi mapapabayaan ang mga pasyente sa isasagawa nilang protesta kaugnay sa kanilang mga hindi pa natatanggap na benepisyo.

"Alam naman nila na pinapangalagaan namin sila. Hindi lamang ito para sa aming pansariling kapakanan pero kasama din po sila," ani Alliance of Health Workers President Robert Mendoza.

"Sa gagawin naming ito para mabigyan sila ng quality care para sa pangangalaga sa ating mga pasyente at 'di natin sila pababayaan," dagdag niya.

Nakiusap kasi ang Philippine Alliance of Patient Organizations (PAPO) na sana'y hindi makompromiso ang kapakanan ng mga pasyente sa pagsasagawa ng mga health worker na protesta kaugnay sa hindi nabibigay na allowance at benepisyo.

Kasabay nito, sinabi ng PAPO na nakikisimpatiya naman sila sa mga health worker sa laban ng mga ito.

"Ang aming fear ay mahinto ang serbisyo at 'di agad matugunan ang pangangailangan ng pasyente," sabi ni PAPO President Girlie Lorenzo.

"Sana naisipan ng mga magpoprotesta na grupo ng healthcare workers na hindi naman papabayaan, mayroon pa ring skeleton force kung kaya na andiyan para hindi naman zero ang care," dagdag niya.

Nakatakdang magsimula sa Lunes ang "mass walkout" ng mga health worker bilang protesta sa gobyerno na hindi pa anila nagbibigay ng kanilang nararapat na benepisyo.

Ayon naman kay Vice President Leni Robredo, hindi lang tungkol sa pera ang isyu kundi usapin na rin ng pagpapahalaga sa halos 2 taon nang sakripisyo ng mga medical frontliner.

"Walang excuse kung bakit 'di natin naasikaso dahil last year pa ang pandemic. 'Yong 2021 budget, ginawa siya panahon na ng pandemic," ani Robredo.

Ayon sa health workers, hindi nila titigilang kalampagin ang Department of Health hangga't hindi ibinibigay ang mga benepisyo at allowance.

Sasama sa protesta ang iba't ibang ospital gayundin ang iba pang grupong nakikisimpatiya sa health workers.

Itinanggi naman ng Chinese General Hospital na lalahok sila sa walkout sa Lunes.

Natanggap na umano ng ospital ang special risk allowance na P21 milyon at nakatakdang ipamahagi ito ngayong linggo.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Alliance of Health Workers
health workers protest
health workers walkout
Philippine Alliance of Patient Organizations
special risk allowance
health workers benefits
Department of Health
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT