DOH nabuking na walang nakalaang budget para sa SRA sa 2022 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH nabuking na walang nakalaang budget para sa SRA sa 2022

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 08:29 PM PHT

MAYNILA — Tila magtutuloy-tuloy ang paniningil ng health care workers ng kanilang special risk allowance (SRA) mula sa Department of Health (DOH) dahil bukod sa nakatengga pa ang pondo, wala ring budget para dito sa 2022.

Sa budget briefing sa Kamara, napuna ni Marikina Rep. Stella Quimbo na kakaunti pa lang ang nailalabas sa P311 million na pondo para sa SRA.

Dito napaamin ang DOH na walang pondo para sa SRA sa 2022 proposed budget dahil nakapaloob daw ito sa panukalang Bayanihan 3, na nakatengga pa sa Senado.

"Bayanihan 3 is hanging in the balance, di tayo sure kung magiging batas 'yun. Ang tanong natin saan kukunin 'yan," tanong ni Quimbo sa DOH.

Sabi pa ni Quimbo, kahit sa Bayanihan 3 ay wala namang nakalaang pondo para sa SRA dahil kinopya lang ang probisyon nito sa Bayanihan 2 kaya dapat ay inilagay ito sa panukalang 2022 budget ng DOH.

"As far as I know, we just copied the provision in Bayanihan 2, but without itemized appropriation... So basically ang inaasahan GAA (General Appropriations Act)," sabi ni Quimbo.

Matatandaang ang naantalang pagbibigay ng SRA ang isa sa mga kinasasama ng loob ng health workers.

Nito lamang Miyerkoles, patuloy ang kilos protesta ng mga medical workers para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque.

—Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
healthcare workers
health workers
SRA
DOH
special risk allowance
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT