'Asan na ang benepisyo?': Health workers napuno na sa 'pagpapaasa' ng gobyerno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Asan na ang benepisyo?': Health workers napuno na sa 'pagpapaasa' ng gobyerno

'Asan na ang benepisyo?': Health workers napuno na sa 'pagpapaasa' ng gobyerno

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 31, 2021 08:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Mga kawani naman ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang nag-picket para ipaalala sa Department of Health (DOH) na tapos na ang 10 araw na deadline sa pagbabayad ng kanilang mga benepisyo.

Anila, iilan lang sa mga taga-Fabella ang nakatanggap ng special risk allowance (SRA) at wala pang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance at active hazard duty pay.

Kaya isa na lang ang pakiusap nila ngayon kay Health Secretary Francisco Duque.

"Bumaba na siya (sa puwesto) dahil kung ang iintayin pa niya, ma-clear siya sa COA, hindi mangyayari 'yon, dahil kung mag-clear man siya sa COA, kaming mga frontliner ay kakasuhan namin siya ng negligence and incompetence," pahayag ni Dr. Margarita Esquivel, presidente ng unyon sa Fabella.

ADVERTISEMENT

Hindi lang daw kasi sa benepisyo nagpabaya ang DOH.

"May swabbing daw every 14 days, totoo ba 'yun? Hindi 'yun totoo," ayon ng isa sa kanila.

Wala ring sapat na proteksiyon ang mga health worker na araw-araw sumusuong sa COVID-19.

Nagprotesta din ang mga taga-Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na hindi rin nakatatanggap ng mga benepisyo sa kabila ng mahalagang papel sa pagsusuri ng COVID-19 transmission.

Aminado naman ang DOH na may pagkaantalang nangyayari dahil sa validation process.

Hinahanapan pa rin daw ng pondo ang MAT allowance na nitong June 1 lang naaprubahang gawing cash.

ADVERTISEMENT

Muli namang kinampihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOH.

"Kasi hindi ka basta-basta maggastos. Magbayad ka nang walang basis, mafa-flag ka na naman. The DOH hands are tied and could not give the SRA to all health workers because of the limitations of the law," ani Duterte.

Pero ayon sa employees association ng St Luke’s Medical Center, kinukumplika lang ng DOH ang proseso.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.