Nurse: Health workers parang laging namamalimos, galit na ngayon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nurse: Health workers parang laging namamalimos, galit na ngayon

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 12:13 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Magsasagawa ng kilos-protesta ang mga health care worker sa tanggapan ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles dahil sa delayed na benepisyo mula sa gobyerno.

Sa panayam ng TeleRadyo kay Jaymee De Guzman, isang nurse sa San Lazaro Hospital, kailangan nilang magprotesta dahil sa kawalan ng malasakit ng DOH sa kanilang kalagayan.

"Lahat na lang po kailangan namin lumaban, kailangan namin sumigaw, magmakaawa. Para nga po kaming namamalimos lagi pero ngayon, talagang galit na galit na talaga ang mga health workers," aniya.

Sa San Lazaro Hospital, nasa 50 health care workers aniya ang nagbitiw na sa puwesto.

ADVERTISEMENT
"Nagpunta sa ibang bansa kasi mas maganda ang offer doon... Hindi kasi nila nakita 'yung appreciation dito na magtutulak sa kanila para mag-stay pa dito," ani De Guzman.

Sa ikakasang kilos-protesta, ipapanawagan ng mga health worker na mag-resign na si Health Secretary Francisco Duque III.

"Nakita naman po natin 'yung kakulangan niya. Wala siyang competency to handle 'yung ating situation. More than a year and a half in this situation, wala pa ring masyadong nag-improve at lalo pang lumala ang sitwasyon ng Pilipinas," aniya.

"...Wala na po talaga ang trust and confidence. Hindi na tatay tingin namin sa kaniya kundi kaaway," dagdag ni De Guzman.

Read More:
Teleradyo
Tagalog news
health care workers
health workers
medical frontliners
COVID19
coronavirus
benefits
protest
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT