DOTr walang budget para palawigin ang 'Libreng Sakay' pagkatapos ng Disyembre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOTr walang budget para palawigin ang 'Libreng Sakay' pagkatapos ng Disyembre

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2022 05:49 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2022 07:42 PM PHT

MAYNILA (UPDATED) — Hanggang Disyembre na lang ang Libreng Sakay sa EDSA bus carousel dahil walang pondo na inilaan para rito sa susunod na taon, sabi ng Department of Transportation.

Ito ay sa kabila ng pagpapakita ng interes ng mga miyembro ng House Committee on Transportation sa Kamara na ituloy hanggang sa susunod na taon ang libreng serbisyo.

Ayon sa DOTr, gumagastos ng P10 milyon hanggang P12 milyon kada araw ang ahensiya para sa programa, na nakakapagsakay ng higit 300,000 pasahero.

"Gusto ng mga members ng committee na pag-aralan 'yung possibility ng Libreng Sakay which is not part of our budget for 2023. Sinasabi ng mga members na dapat magkaroon ng another program for Libreng Sakay. So pag-aralan nating mabuti 'yan, sabi nga namin wala 'yan sa budget namin," ani Transportation Secretary Jaime Bautista.

ADVERTISEMENT
Sinabi na rin ng ahensiya na unti-unti na nilang napupunan ang mga kailangang bayaran sa mga bus concessionaire ng EDSA bus carousel.

Matatandaang kamakailan ay nabigyan ng pondo na P1.4 bilyon ang ahensiya para palawigin ang programa mula Setyembre hanggang Disyembre.

Sa panayam sa TeleRadyo ngayong Huwebes, sinabi ni Steve Pastor, DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure, na nasa P12 bilyon ang kinakailangan para maipagpatuloy ang Libreng Sakay sa susunod na taon.

"'Yung atin pong ni-request... para po sa 2023 ay P12 bilyon. Ito po ay inaasahan natin na magtatagal for the entirety of the year."

Ayon kay Pastor, mahirap masabi kung ilang mga biyahero ang makikinabang sa posibleng pagpapatuloy ng Libreng Sakay sa 2023.

Samantala, lagpas 47 milyon na ang nakikinabang sa Libreng Sakay ngayong taon, sabi ng opisyal.

"Makikita natin na marami talaga ang nakikinabang dito," aniya.