Hawahan ng COVID-19 sa Cavite, nakita sa magkakapamilya, magkakapitbahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hawahan ng COVID-19 sa Cavite, nakita sa magkakapamilya, magkakapitbahay

Hawahan ng COVID-19 sa Cavite, nakita sa magkakapamilya, magkakapitbahay

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 24, 2021 08:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mga magkakapamilya o magkakapitbahay sa isang compound ang madalas nagkakahawahan ng COVID-19 sa ilang lugar sa Cavite, base sa obserbasyon ng ilang doktor at opisyal.

Sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, ilang miyembro ng pamilya o close contact ng COVID-19 patients ang naka-admit.

"Kapag tinanong mo 'yong contact tracing nila, mabilis talaga ang paghawa. Kumbaga sa pamilya, madalas may kasama sa pamilya, may dagdag na kapamilya [ang] nahahawa," sabi ni Dr. Ana Maria Elena Gabuten, chief of clinics ng ospital.

Sa ngayon, 90 porsiyento na ng mga kama ng ospital ang okupado.

ADVERTISEMENT

Sa bayan ng Indang, magkakapamilya ang nakikitang nagpopositibo sa nasa 10 barangay na tinukoy na COVID-19 hotspot.

"'Yong pattern ng transmission, pami-pamilya tapos halos talagang minsan compound. Doon lang talaga sa isang area naka-focus," sabi ni Vernie Caisip, consultant sa Indang Mayor's Office.

Umaabot umano sa higit 20 ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Indang kada araw sa nakalipas na linggo habang nasa 237 na ang aktibong kaso base sa tala noong Lunes.

Gagamitin na rin bilang treatment at monitoring facility para sa COVID-19 cases ang Cavite State University sa Indang.

Ito'y matapos mapuno ang isolation facility ng Oplan Kalinga at Carmona Mega Isolation Facility.

Magkakapamilya rin ang napansing naka-quarantine sa isang isolation facility sa Imus, na may 183 pasyente.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na nakita nito ang community transmission o pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa Calabarzon, kung nasaan ang Cavite.

Sa datos na inilabas ng Cavite Provincial Police Office, umabot na sa 45 ang na-detect na kaso ng Delta variant sa Cavite, kung saan 1 ang namatay habang 27 ang nagpapagaling.

Sa huling tala, 10,800 ang active cases sa Cavite, pinakamarami ang sa Bacoor City.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.