Isolation, bakunahan planong gawin sa ilang unibersidad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isolation, bakunahan planong gawin sa ilang unibersidad

ABS-CBN News
Published Aug 24, 2021 02:30 PM PHT

MAYNILA - Ginagawang isolation facility at vaccine site ang ilang unibersidad sa Maynila at Cavite sa harap ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ang Cavite State University sa bayan ng Indang, gagamiting treatment at monitoring facility para tugunan ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Indang, napuno na ang isolation facility ng Oplan Kalinga sa Hacienda Isabela, Brgy. Carasuchi at Carmona Mega Isolation Facility ng mga nagpapagaling sa virus.

“Napuno sila last week. ‘Yung surge ng cases dito sa amin, napuno namin eh,” ani Vernie Caisip, consultant ng Indang Mayor’s Office.

ADVERTISEMENT
“Unfortunately, wala na kami talagang mapagdalhan. So, nag-decide si mayor na kausapin na si president para magamit na namin siya (CvSU)," dagdag niya.

Binisita rin ni Indang Mayor Perfecto Fidel ang pasilidad sa CvSU noong Lunes para tiyakin ang kahandaan nito sa pagtanggap ng pasyente.

Umaabot sa higit 20 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Indang kada araw sa nakalipas na linggo at nasa 237 na ang mga aktibong kaso nitong Martes. Kabilang dito ang isang na-detect na Delta variant case.

Samantala, nagkaroon ng bakunahan ang Polytechnic University of the Philippines para sa kanilang mga empleyado, faculty members, at mga kaanak sa kanilang Sta. Mesa Campus.

Nakipagtulungan din ang pamunuan ng unibersidad sa Manila Health Department para mabakunahan ang nasa 3,000 empleyado at guro ng unibersidad.

Ito na rin ang ika-2 batch ng mga binakunahang mga empleyado ng PUP.

Ngayong Martes, 500 doses ng Moderna vaccine ang ituturok sa mga tatanggap ng second dose.

Ayon kay PUP president Dr. Manuel Muhi, sa ngayon nasa 2,000 na ang nabakunahan habang nasa 30 ang tinamaan ng COVID-19 sa kanila at may mga namatay din dahil sa virus kaya nais niyang mabakunahan na ang lahat ng empleyado.

Sinabi rin ng pamunuan ng PUP na ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado at mga guro ay paghahanda rin anila sakaling payagan na ang face-to-face classes.

Naglatag na rin anila sila ng mga plano kung papayagan na ang face to face classes, ayon kay Muhi.

— May mga ulat nina Raya Capulong at Michael Delizo, ABS-CBN News
KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
PUP
Cavite State University
treatment facility
COVID19 isolation
COVID19 vaccination
bakuna
pagbabakuna
COVID19 treatment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT