Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Cavite, higit 10,000 na | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Cavite, higit 10,000 na

Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Cavite, higit 10,000 na

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 23, 2021 07:24 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Cavite kasabay ng pagsabi ng Department of Health (DOH) na posibleng may community transmission ng mas nakahahawang Delta variant sa Calabarzon, ang kinabibilangang rehiyon ng probinsiya.

Sa tala ng DOH ngayong Lunes, umabot na sa 10,114 ang bilang ng mga aktibong kaso sa lalawigan habang nananatiling "high risk" o nasa 75.1 porsyento ng mga kama sa mga pagamutan ang okupado.

Sa hiwalay na tala ng Provincial Health Office, nangunguna ang Bacoor City sa mga may pinakaraming aktibong kaso na higit 2,000. Sinundan ito ng Dasmariñas City at Bacoor City na may higit 1,000 aktibong kaso, at Silang at General Trias City na higit 800 ang mga aktibong kaso.

Sa Silang, ini-lockdown ang ilang purok sa Barangay Ulat kung saan nakita ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 matapos ma-detect sa isang residente doon ang Delta variant.

ADVERTISEMENT

Pinatututukan ni Silang Mayor Corie Poblete ang mass testing at pagbabakuna sa naturang barangay.

"Patuloy ko pong pinapakausap na mag-ingat at huwag po tayong mag-panic dahil agaran po natin itong inaaksiyunan. Panatilihin ang pagsusuot ng face shield, facemask at magkaroon social distancing upang hindi na kumalat ang sakit,” ani Poblete.

Sa Imus City, tinututukan na ang pagbabakuna sa A4 priority group o economic frontliners, kung saan 250 tricycle driver ang target mabakunahan araw-araw.

"Sa kanilang araw-araw na pamamasada ay hindi maikakaila na sila'y talagang exposed sa COVID-19. Kaya't bilang suporta sa kanilang sektor at sa ligtas na pagbawi ng ating lokal na ekonomiya, mayroon tayong nakalaan na bakuna para sa kanila kasama ang iba pang economic frontliners," sabi naman ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.