2 sa 4 bangkay sa kotse sa Rizal nakilala na; motibo sa krimen malabo pa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

2 sa 4 bangkay sa kotse sa Rizal nakilala na; motibo sa krimen malabo pa

2 sa 4 bangkay sa kotse sa Rizal nakilala na; motibo sa krimen malabo pa

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakilala na ang dalawa sa apat na bangkay na natagpuan sa isang kotse sa Rizal. Courtesy: Rizal PPO
Nakilala na ang dalawa sa apat na bangkay na natagpuan sa isang kotse sa Rizal. Courtesy: Rizal PPO


MAYNILA — Natukoy na ng Rizal Police Provincial Office ang pagkakakilanlan ng dalawa sa apat na bangkay na natagpuan sa loob ng isang inabandonang kotse sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes.

Ayon kay Rizal PPO Public Information Officer Lt. Marisol Tactaquin, nakilala ang mga nasawing sina Robert Ryan Amarillo, 40-anyos, mula sa Lucena City sa Quezon Province; ang ikalawa ay nakilalang si Carl Pabalan, 51-anyos at residente ng Tayabas City sa lalawigan din ng Quezon.

Hindi pa tukoy sa ngayon ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng kasama ng mga ito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano ang posibleng motibo sa krimen at sino ang mga salarin.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Nitong umaga ng Martes, nagsagawa na rin ng command conference ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) Macabud na pinamumunuan ni Provincial Director Police Colonel Dominic Baccay na tumatayong SITG commander.

Personal na ininspeksyon ni Baccay ang lugar kung saan nadiskubre ang apat na bangkay.

Sa inilabas na pahayag ng Rizal PPO, sinabi ni Baccay na hindi titigil sa "puspusang" pag-iimbestiga ang pulisya ng Rizal para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

"Na-identify na natin ang dalawang biktima dahil na rin sa mabilis na aksyon at sa masigasig na pagtatrabaho ng ating mga kapulisan… sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating mamamayan," sabi niya. "I'm very positive na maso-solve natin ito sa mabilis na panahon.”

Tumanggi munang magbigay ng dagdag na impormasyon at panayam si Baccay kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa pangyayari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.