Delivery rider na nawawala sa Bulacan, natagpuang patay sa Tiaong, Quezon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Delivery rider na nawawala sa Bulacan, natagpuang patay sa Tiaong, Quezon

Delivery rider na nawawala sa Bulacan, natagpuang patay sa Tiaong, Quezon

ABS-CBN News

Clipboard

Natagpuan sa Tiaong, Quezon ang bangkay ng isang delivery rider na ilang araw na umanong nawawala sa San Jose Del Monte, Bulacan, noong Martes. Dennis Datu, ABS-CBN News
Natagpuan sa Tiaong, Quezon ang bangkay ng isang delivery rider na ilang araw na umanong nawawala sa San Jose Del Monte, Bulacan, noong Martes. Dennis Datu, ABS-CBN News

Natagpuan sa Tiaong, Quezon ang bangkay ng isang delivery rider na ilang araw na umanong nawawala sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay PLtCol. Marlon Cabataña, hepe ng Tiaong Police Station, walang nakitang anumang palatandaan kung paano pinatay ang biktima na natagpuan sa Barangay Lumingon nitong Martes. Wala umanong sugat o tama ng bala ng baril o kahit saksak, at wala rin palatandaan na sinakal.

Matapos ipost ng Tiaong Police sa kanilang Facebook ang larawan ng natagpuang bangkay, Isang Melody Coralde ang tumawag at positibo niyang kinilala ang natagpuang bangkay na ang kaniyang kapatid na si Melvin Bedania, 36 anyos.

Ayon umano kay Coralde, delivery rider ang kaniyang kapatid na huling nakitang buhay sa San Jose Del Monte, Bulacan noong gabi ng Agosto 14.

ADVERTISEMENT

Pero wala naman natagpuang motorsiklo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Ayon kay LtCol. Cabataña, base sa kanilang beripikasyon sa Norzagaray Police Station ay nasa drug watch list umano ang biktima.

Kinumpirma rin umano ito ng kapatid ng biktima sa mga imbestigador.

Sa ngayon wala pang matukoy na suspek sa krimen.

Sinusundo na ng Tiaong Police ang pamilya ng biktima sa Bulacan.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.