PatrolPH

Isang bangkay na naman ang natagpuan sa gilid ng highway sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2022 11:49 AM

Ito na ang ikatlong bangkay na nakita sa gilid ng mga highway sa lalawigan ng Quezon sa loob ng isang linggo. Larawan mula sa Pagbilao PNP
Ito na ang ikatlong bangkay na nakita sa gilid ng mga highway sa lalawigan ng Quezon sa loob ng isang linggo. Larawan mula sa Pagbilao PNP

Isa na namang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa gilid ng highway sa bayan ng Pagbilao sa Quezon province nitong Sabado ng umaga.

Alas-7:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa gilid ng Maharlika highway sa Sitio Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy, ayon sa ulat ng Pabilao PNP.

Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na may sugat ito sa ulo na hinihinalang tama ng bala ng bala.

Pero walang mga basyo na natagpuan sa lugar.

Posible umanong itinapon lamang sa lugar ang bangkay.

Tinatayang nasa edad 45 hanggang 50 anyos ang biktima at nakasuot ng gray na t-shirt at itim na pantalon.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan dito.

Ito na ang ikatlong bangkay na nakita sa gilid ng mga highway sa lalawigan ng Quezon sa loob ng isang linggo. —ulat ni Ronilo Dagos

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.