Ilang nurse sa Quezon, idineploy sa Cavite para tumulong sa COVID-19 response | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang nurse sa Quezon, idineploy sa Cavite para tumulong sa COVID-19 response

Ilang nurse sa Quezon, idineploy sa Cavite para tumulong sa COVID-19 response

ABS-CBN News

Clipboard

Hospital

Apat na nurse mula sa Maria L. Eleazar Memorial General Hospital sa Tagkawayan, Quezon ang ipinadala sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor, Cavite para tugunan ang pangangailangan sa health worker.

Ayon kay Dr. Ruby Ephraim Rubiano, ang medical center chief ng Southern Tagalog Regional Hospital, magandang practice ang pagpapahiram ng mga health worker ng mga ospital na mababa ang kaso ng COVID-19 patungo sa mga lugar nao-overwhelm ang pagamutan dahil sa dami ng mga pasyente.

Malugod namang tinanggap ng mga nadestinong nurse ang hamon ng pagtugon sa COVID-19 crisis sa Cavite.

"Ang mga nurse ay isang parang sundalo. Kung nasaan ang giyera, nando’n ang laban," ayon sa nurse na si Marietan Beniegas.

ADVERTISEMENT

"Nakita po namin ang sitwasyon. Kailangan po talaga ng karagdagang nurse po para tumulong. Nakakatakot… pero hindi kami puwedeng tumigil dahil ito ang sinumpaan naming trabaho," ayon sa nurse na si Rodolfo N. Pitapit Jr.

Isa ang Southern Tagalog Regional Hospital sa mga ospital sa Cavite na puno na sa mga pasyente.

Kinonvert na nila ang ilang ward para makapag-accommodate ng karagdagang COVID patient.

Pitumpu na ngayon ang lahat ng COVID beds na lahat ay okupado.

Kaya ang iba ay naghihinaty muna sa emergency room bago mailagay sa ward.

Puno na ang ospiral pero pilit umanong pinahahaba ang pisi, tulad ng pagtatayo ng extention tent ng ER.

"Actually, last week lang eh, nagulat nga kami kasi maraming waiting. Kahit sa kotse, pinupuntahan na rin ‘yung pasyente. Lahat po, nakaabang sa triage, waiting sila," ani Southern Tagalog Regional Hospital Information Officer Eden Purugganan.

Sa huling datos mula sa LGU, umabot na sa 1,800 ang mga aktibong kaso sa Bacoor City.

Kaugnay na video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.