Navotas police chief, 22 tauhan pinasibak sa puwesto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Navotas police chief, 22 tauhan pinasibak sa puwesto

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Aug 16, 2023 10:54 AM PHT

MAYNILA — Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Navotas police na si PCol. Allan Umipig at 22 tauhan nito kaugnay ng pagbaril at pagkamatay ng isang teenager sa pumalpak na operasyon nitong Agosto.

Sa isang memorandum, inaprubahan ni Metro Manila police chief PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang rekomendasyon na i-relieve si Umipig dahil sa kabiguang i-supervise ang operasyon at imbestigasyon, dagdag pa ang command responsibility.

Sibak din sina PCapt. Juanito C Arabejo ang officer-in-charge ng Station Investigation and Detective Management Section ng Navotas police at Chief Clerk nito na si PCMS Aurelito B Galvez dahil sa neglect of duty.

Hindi umano nakapag-sumite ng paraffin examination at hindi naghanap, nangolekta, nag-preserve at nag-record ng ebidensya ang mga ito, na trabaho nila bilang imbestigador.

ADVERTISEMENT
Tinanggal sa puwesto ang 20 iba pang pulis dahil sa kabiguang tulungan ang mga aksidenteng nasaktan sa operaasyon. Nahaharap din sila sa kasong administratibo na “less grave misconduct for committing a crime.”
Sinasabing napagkamalan ang 17-anyos na si Jerhode “Jemboy” Baltazar bilang suspek na tinutugis ng mga pulis. Nabaril siya matapos tumalon sa isang bangka nang utusan na sumuko noong Agosto 2.

Una nang sinabi ng National Capital Region Police Office na wala pang maipakitang footage ng body-worn camera ang mga pulis na nag-operate at kabilang ito sa iniimbestigahan ngayon.