Ina ni Jemboy, pinuntahan ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ina ni Jemboy, pinuntahan ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng anak

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Aug 16, 2023 09:22 AM PHT

MAYNILA — Nagtungo sa Navotas City police station si Rodaliza Baltazar nitong Martes ng gabi upang personal na makita sa kulungan ang 6 na pulis na sangkot sa pamamaril sa kanyang anak na si Jemboy.
Nagkaroon kasi sila ng agam-agam nang hindi sumipot ang mga ito sa isinagawang preliminary investigation sa piskalya nitong Martes.
"'Yung pinaka-abogado lang nila ‘yung nag-appear sa fiscal. Kaya po parang naisip namin na nakalaya sila. Siyempre natakot kami sa seguridad namin na baka mamaya pagala-gala sila kaya desidido na po talaga ako na makita sila," ayon kay Rodaliza.
Humingi ng tawad sa kanya ang mga pulis sa nangyari kay Jemboy pero nais ng kanyang pamilya na mas mapabigat ang kaso laban sa kanila.
"Gawing murder. Kasi ‘yun walang piyansa. ‘Yung homicide, 5 years makakalabas na po sila. Hindi po ako makakapayag kasi sila makakalaya pero si Jemboy, hindi na makakabalik," dagdag ni Rodaliza.

Nagpunta naman si Sen. Raffy Tulfo sa huling lamay ni Jemboy at sinabing iimbestigahan sa Senado ang naturang kaso. Hihilingin din aniya na sumailalim sa drug testing ang mga sangkot na pulis.
Magdamag namang binantayan ni Rodaliza ang huling lamay ni Jemboy bago ito ilibing ngayong Miyerkoles sa La Loma Cemetery.
"Sobrang sakit kasi last ko na siyang makikita sa kabaong tapos ‘pag nilibing na siya, sa picture ko na lang siya makikita. Wala na. Hindi ko na siya mayayakap," ani Rodaliza.