Pagbisita ng mga pulis ikinabahala ng pamilya ni Jemboy Baltazar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbisita ng mga pulis ikinabahala ng pamilya ni Jemboy Baltazar

Pagbisita ng mga pulis ikinabahala ng pamilya ni Jemboy Baltazar

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 14, 2023 05:19 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) — Ikinabahala ng pamilya ni Jemboy Baltazar ang pagbisita ng mga pulis sa kanilang bahay upang kumuha ng mga bagong pahayag.

Si Baltazar ang binatilyong napatay kamakailan sa Navotas City sa isang kaso umano ng mistaken identity o napagkamalang suspek ng mga pulis.

Ayon sa ate ni Jemboy na si Jessa, nababahala silang maiba ang mga naunang testimoniya ng mga nakasaksi sa insidente.

Hindi umano nagpaunlak ang pamilya Baltazar sa mga request ng mga pulis, ayon na rin sa payo ng kanilang abogado.

ADVERTISEMENT

Sa isa namang post sa social media platform na X (o dating Twitter), ikinagulat ng forensic pathologist na si Raquel Fortun ang pagbisita ng mga pulis sa kaniyang opisina.

Isang post ni Dr Raquel Fortun sa X (o dating Twitter).
Isang post ni Dr Raquel Fortun sa X (o dating Twitter).

Depensa ng pulisya, ito ay upang ipaalala kay Fortun na kailangan na ng piskalya ang resulta ng autopsy.

Ayon naman kay Interior Secretary Benhur Abalos, makatutulong ang autopsy report upang malaman kung mula homicide ay tataas sa murder ang kakaharaping kaso ng mga pulis.

Aminado si Abalos na may pagkakamali sa operasyon ng mga pulis na nauwi sa pagkamatay ni Jemboy.

"Maling-mali ang nangyari rito. Unang-una, warning shot, nasa procedure 'yan eh. At ang pinakamali sa lahat, babaril ka na lang nang basta-basta tapos nandoon, hindi mo man lang kinuha ‘yong bata. Lahat mali kaya nakakagalit," sabi ng kalihim.

Sinabi rin ni Abalos na maaari pang madagdagan ang mga kakasuhang pulis kaugnay sa kaso, pero depende ito sa magiging takbo ng imbestigasyon.

Ayon naman Col. Allan Umipig ng Navotas police, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na nakasuot ng body camera ang isa sa mga pulis na kasama sa operasyon pero nag-low battery ito.

Sinabi naman ng National Capital Region Police Office na wala pang maipakitang footage ng body-worn camera ang mga pulis na nag-operate at kabilang ito sa iniimbestigahan ngayon.

Samantala, humihiling ng karagdagang security ang pamilya Baltazar sa araw ng libing ni Jemboy sa Miyerkoles.

Tiniyak naman ng Navotas police na magtatalaga ng karagdagang pulis sa libing ni Jemboy hanggang sa makabalik sa bahay ang kanyang pamilya.

— May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.