Imbakan ng kahoy at scrap materials, nasunog sa Kawit, Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imbakan ng kahoy at scrap materials, nasunog sa Kawit, Cavite

Imbakan ng kahoy at scrap materials, nasunog sa Kawit, Cavite

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2021 06:57 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Natupok ang isang bodega ng wood products at iba pang scrap materials sa Barangay Toclong, bayan ng Kawit, Cavite, Martes ng gabi.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Alma Gardose, hepe ng Kawit Fire Station, sumiklab ang apoy sa imbakan ng Lebecon Wood Products sa San Sebastian Road bago mag alas-11:30 ng gabi, Martes.

Umabot ng 10 minuto bago naitawag sa mga bombero ang sunog kaya natagalan ang pagresponde. May ginagawa rin noon sa kalsada.

Itinaas ang unang alarma, pero rumesponde rin ang mga bombero mula sa iba pang katabing bayan sa Cavite.

ADVERTISEMENT

Bumigay ang bubong ng open-air na imbakan at nadamay sa apoy ang katabing barracks na tinitirhan ng mga trabahador doon.

Pumutok din ang kawad ng kuryente sa labas ng lugar. Wala namang nasaktan sa insidente.

Bukod sa nakabakod, hiwalay rin sa residential area ang bodega kaya wala nang bahay na nadamay.

Nagdeklara ng fire out pasado alas-12:30 ng madaling-araw.

Inabot naman ng umaga ang overhauling, o pagsiguro na patay na ang apoy, dahil sa lakas ng hangin at dami ng magkakapatong na scrap materials na kailangang kalkalin.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy at halaga ng natupok sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.