PatrolPH

Warehouse ng Ever Gotesco Mall-Commonwealth, nasunog

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2021 08:26 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nasunog ang bahagi ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth, Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Warehouse na bahagi ng mall ang natupok matapos sumiklab ang apoy pasado alas-2 ng madaling araw, ayon sa Bureau of Fire Protection. Idineklara itong under control alas-4:50 ng umaga.

Sapilitang binuksan ang ilang metal roll up door para mapasok ang warehouse. Hindi pa malinaw kung may tao sa loob nang sumiklab ang sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.