Lindol nagdulot ng landslide sa Ifugao; ambulansya natabunan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lindol nagdulot ng landslide sa Ifugao; ambulansya natabunan

ABS-CBN News
Published Jul 27, 2022 12:11 PM PHT

Gumuho ang bahagi ng bundok sa Sitio Manggiyeng, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao dahil sa malakas na lindol ngayong Miyerkoles ng umaga.

Natabunan ng lupa ang isang ambulansya na lulan ang 4 na katao kabilang ang isang buntis na dadalhin sana sa Rural Health Unit.

Walang naitalang nasaktan o namatay dahil nakalabas agad ng sasakyan ang mga pasahero, ayon kay Nesteri Cabbigac ng operations and warning section ng PDRRMO Ifugao.

“Sinundo nila 'yung buntis, pabalik na sana sila sa RHU eh natabunan 'yung sasakyan nila. Buti na lang nakalabas sila so wala namang nasugatan o kaya namatay sa landslide,” ani Cabbigac.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng clearing operation ang mga pulis para madaanan pansamantala ng mga motorsilklo ang kalsada.

Nakatanggap na rin ng ulat ang PDRRMO Ifugao na may ilang istruktura sa bayan ng Banaue ang nagkaroon ng mga bitak bunsod ng malakas na lindol.

Patuloy ang pagsusuri ng lokal na pamahalaan habang inabisuhan ang mga residente ng maging alerto at mag-ingat.

—ulat ni Harris Julio
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT