Pagbitak at pagguho ng lupa sa 1 barangay sa Taal, ikinabahala ng mga residente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbitak at pagguho ng lupa sa 1 barangay sa Taal, ikinabahala ng mga residente

Pagbitak at pagguho ng lupa sa 1 barangay sa Taal, ikinabahala ng mga residente

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 24, 2021 03:04 PM PHT

Clipboard

Nagkaroon ng bitak at pagguho ng lupa sa isang barangay sa Taal sa Batangas matapos ang ilang araw na pagbuhos ng ulan at malakas na lindol naman nitong Hulyo 24, 2021. Mga larawan mula kay Mary Angeline Delmundo

Nagkaroon ng bitak at pagguho ng lupa sa isang barangay sa Taal sa Batangas matapos ang ilang araw na pagbuhos ng ulan at malakas na lindol naman nitong Hulyo 24, 2021. Mga larawan mula kay Mary Angeline Delmundo

(UPDATE) Bumulaga sa mga residente ng Barangay Laguille sa bayan ng Taal sa Batangas ang mga bitak at malalim na pagguho ng lupa malapit sa kanilang mga bahay, Sabado ng umaga.

Sa mga kuhang larawan ni Mary Angeline Delmundo, makikita ang malaking butas na may 10 metro umano ang lalim nang kanilang sukatin.

Makikita rin ang pagkasira ng malaking bahay ng kanilang ka-barangay dahil sa bitak at pagguho ng lupang kinatatayuan mismo nito.

Sabi ni Delmundo, naranasan na nila ito noong isang taon nang pumutok ang bulkang Taal.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Taal Mayor Fulgencio Mercado, ang pagbitak ng lupa ay fissures dahil sa pagputok ng bulkan noong isang taon.

Lumabas na lamang raw muli ito dahil sa halos isang linggong pag-uulan bunsod ng habagat na pinatindi pa ng bagyong Fabian at sinamahan pa ng 6.6 magnitude na lindol na naitala sa Calatagan, Batangas.

“Fissures, fissuring. Ito ay karugtong pa ng pagputok ng bulkan. Karugtong pa itong mga fissures along Pansipit River. Na-trigger lang pero talagang matagal nang may fissures within that area,” sabi ni Mercado.

Wala namang nasaktan sa insidente pero inilikas ang 5 pamilya na naninirahan sa mga bahay na malapit sa fissures.

“In-evacuate namin ang 5 bahay, pinalipat muna namin sa mga kamag-anak yung 5 houses within that area, kasi ang advise sa atin ng MGB-Phivolcs ay 5-meters away from the fissures,” sabi niya.

Panawagan nito sa mga residente na huwag mangamba bagkus panatilihin ang pag-iingat.

Halos mag-iisang linggo na nilang nararanasan ang walang tigil na buhos ng ulan dahil sa habagat na pinalakas pa ng bagyong Fabian.

Aminado silang nakakaramdam na ng takot sa pangyayari lalo't nakaranas pa ang malakas na lindol Sabado ng madaling araw.

Sabi naman ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas, walang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring lindol. Wala ring banta ng tsunami.

“Ang napakalas na lindol magnitude 6.6 sa Calatagan, Batangas ay hindi nagdala ng pagkawala ng buhay o sugat sa ating pinangangalagaang mamamayan. Wala ring pinsala sa mga bahay o gusali at kasangkapan sa buong lalawigan ng Batangas," sabi ni Mandanas sa pahayag na inilabas ng Batangas Public Information Office.

- Ulat ni Andrew Bernardo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.