TINGNAN: Baha sa ilang bahagi ng isang barangay sa Cainta naging kulay pula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Baha sa ilang bahagi ng isang barangay sa Cainta naging kulay pula

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2021 06:55 PM PHT

Nagulat ang ilang residente ng Barangay San Andres sa bayan na ito sa Rizal nang makita na kulay pula ang tubig baha sa kanilang lugar nitong Sabado.

Sa padalang video ni Bayan Patroller Robert Zulueta na kuha alas-7:24 ng umaga, makikitang pula ang tubig baha sa bawat kalye na dinadaanan niya habang papasok ng trabaho.

Pangamba ni Zulueta, baka may masamang epekto sa balat ang tubig baha na ito.

Sa isang video naman na kuha alas-11:19 ng umaga ni Bayan Patroller Jebie Maestre, makikitang mayroon pa ring tubig baha na pula sa kanilang lugar.

Ayon kay Maestre, nagulat siya ng makita ito lalo pa’t unang beses itong nangyari sa kanilang lugar.

Sa panayam ng Bayan Mo, iPatrol Mo kay Barangay Chairman Jose Ferrer ng Barangay San Andres, kinumpirma niya na naging pula nga ang tubig baha sa kanilang lugar ngayong Sabado.

Ito ang unang beses na nangyari ito sa barangay.

“Nagulat nga kami kanina d’yan banda sa Rodriguez Avenue, d’yan sa may Felix nagro-roving kami kasi mataas ang tubig bigla na lang pula ang aming nakita na tubig. Tsaka dumadaloy sa ibang mga tributaries pa ng ibang mga malapit na kanal," ani Ferrer.

Kasalukuyan nilang inaalam kung ano ang naging dahilan ng pagiging kulay pula ng baha sa lugar.

Nakabantay din ang kanilang barangay rescue team hanggang ngayon para i-monitor ang baha sa lugar. — Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo Ipatrol Mo

PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT