Nasa 'early stages' ng COVID-19 surge ang Metro Manila: OCTA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 'early stages' ng COVID-19 surge ang Metro Manila: OCTA

Nasa 'early stages' ng COVID-19 surge ang Metro Manila: OCTA

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naniniwala ang isang grupo ng mga eskperto na nasa "early stage" ng COVID-19 surge o muling pagdami ng mga kaso ang National Capital Region.

"The OCTA Research Group believes that a surge in its early stages has started in the NCR," sabi ng OCTA Research Group, na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa datos kaugnay ng COVID-19, sa isang pahayag.

Ayon sa grupo, kailangan ang agarang hakbang ng national at local government para mapigilan ang pagtaas ng mga kaso.

Kailangan din anilang pag-isipan ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19 ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine status sa NCR dahil hindi sasapat ang kasalukuyang general community quarantine.

ADVERTISEMENT

Dapat anilang matuto na ang Pilipinas sa karanasan ng ibang bansa na pinadapa ng surge dahil naging huli ang hakbang para kontrahin ito.

Sa ulat ng OCTA Research Group, muling tumaas ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR sa 1.15.

Ang trend ng reproduction na ito ay may pagkakahalintulad sa naging trend ng reproduction number noong Pebrero nang magsimula ang surge.

Aminado rin ang Department of Health (DOH) na tumaas ang 2-week growth rate sa Kamaynilaan, na nangangahulugang tumaas talaga ang bilang ng mga kaso.

Magkaiba naman ng pananaw ang DOH at OCTA kung ang mas nakahahawang Delta variant ang sanhi ng pagtaas ng mga kaso.

"We cannot attribute it yet, na sasabihing Delta variant 'yan o kung anong variant... may ibang factors like mobility of the population, compliance to safety protocols," ani Health spokesperson Maria Rosario Vergeire.

"Hindi natin masabi as a fact na Delta variant pero we have to keep it in mind na may big possibility na [may] Delta variant involvement dito," ani OCTA fellow Dr. Guido David.

Para sa OCTA, hindi maling isipin na may local transmission na ng Delta variant lalo't ang ilang sample na isinasailalim sa genome sequencing ay ilang linggo o buwan na rin ang itinagal.

Ngayong Huwebes, iniulat ng DOH na naka-detect ito ng 12 bagong kaso ng Delta variant, dahilan para umakyat sa 47 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases, kung saan 8 ang active cases.

Sa posibilidad ng pagkalat ng Delta variant, asahan ding mas magiging mahirap ang contact tracing.

Dahil hirap ang COVID-19 testing sa ilang lugar, may paalala naman si Health Secretary Francisco Duque III sa mga lokal na opisyal.

"Kung nahirapan pa sa testing, basta't may suspicion na kayo at saka you do a symptom screening, exposure screening, then you isolate, and then contact trace and then isolate those who are exposed," ani Duque.

"'Yong 14 days ma-keep mo 'yung tao, panalo ka na, ibig sabihin, that virus dies there within the 14 days. Hindi na makapanghahawa," aniya.

Nakapagtala ngayong Huwebes ang Pilipinas ng 5,828 dagdag na kaso ng COVID-19 para sa kabuuang 1,530,266, kung saan 50,562 ang active cases.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.