PatrolPH

2 patay matapos tamaan ng kidlat sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 03:44 PM

Patay ang 2 lalaki matapos tamaan ng kidlat sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte nitong umaga ng Huwebes.

Ayon sa imbestigador na si Senior Master Sgt. Noel Gamit, nagtatanim ng palay ang mga biktima, na may edad 15 at 35, kasama ang 3 iba pang lalaki nang tamaan sila ng kidlat.

Isinugod sa ospital ang mga biktima pero binawian ng buhay ang 2, na nagtamo ng mga sugat sa mukha, dibdib, at tiyan.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang 3 iba pang nakidlatan.

Kasalukuyang nakakaranas ng masamang panahon ang ilang lugar sa bansa bunsod ng habagat na pinatindi ng Bagyong Fabian.

— Ulat ni Grace Alba

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.