Paano maiiwasang matamaan ng kidlat? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano maiiwasang matamaan ng kidlat?
Paano maiiwasang matamaan ng kidlat?
ABS-CBN News
Published May 31, 2018 07:06 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Hindi man ganoon kadalas sa Pilipinas ang mga insidenteng may tinatamaan ng kidlat, hindi pa rin maikakaila ang peligrong dala nito.

Sa programang "Red Alert," ibinahagi ng safety expert na si Terrence June Toriano ang "lightning safety crouch," na paraan para maprotektahan ang sarili sakaling maabutan sa open field ng ulang may kasamang pagtama ng kidlat sa lupa.

Sa posisyong ito, kinakailangang yumuko habang naka-squat, nakadikit ang dalawang sakong, tumingkayad at takpan ang dalawang tainga.

"The moment na naka-V 'yong heels mo, the electricity will not go through your body but will pass on to your other heel and then lalabas siya sa kabila," paliwanag ni Toriano.

Pero kung magkaroon ng pagkakataon ay mas mainam na humanap ng masisilungan, ani Toriano.

"Better is to get away from an open area. Look for shelter," aniya.

Ayon naman kay Esperanza Cayanan, weather division chief ng PAGASA, hindi malayong tumama ang kidlat sa lupa lalo kung masama ang panahon.

"Ang nangyayari, 'pag pumapatak na ngayon 'yung mga water droplets or ice particles, meron siyang dala na negative charges. Ito naman ngayon sa baba naman sa lupa, merong mga positive charges na naa-attract dito sa negative charges, na 'pag bigla silang nagdugtong, nag-connect, 'yun na yung kidlat na lalabas," paliwanag ni Cayanan.

Bukod sa mga open field gaya ng bukid, madalas ding tamaan ng kidlat ang mga matataas na bagay gaya ng poste at puno.

"Pag nasa open field ka at ikaw lang ang nakatayo doon, yung positive charges, sa'yo aakyat kasi naa-attract siya sa negative charges na nanggagaling doon sa ulap," ani Cayanan.

Ilan sa mga senyales ng posibilidad ng pagkidlat ang pamamawis ng palad, pagtayo ng balahibo at pagkakaroon ng lasa ng bakal sa bibig, ayon kay Cayanan.

Noong nakaraang linggo, apat ang napatay habang lima ang nasugatan sa pagtama ng kidlat sa Pontevedra, Negros Occidental.

Para sa dagdag na ligtas tips, sundan ang "Red Alert" sa Facebook (fb.com/RedAlertABSCBN) at Twitter (@ABSCBNRedAlert).

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Red Alert
kaligtasan
kidlat
safety tips
panahon
weather
lightning safety crouch
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT