Pagbabawal ng videoke sa Cavite gagawin nang 24/7 | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Pagbabawal ng videoke sa Cavite gagawin nang 24/7

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jul 15, 2021 09:38 AM PHT
|
Updated Jul 15, 2021 08:21 PM PHT
MANILA - Inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na palalawigin pa ang pagbabawal sa pag gamit ng videoke sa Cavite.

Sa kaniyang Facebook Live, sinabi ni Remulla na hindi na lamang sa gabi kundi 24/7 na ang magiging ban sa paggamit ng videoke.

May ordinansa ngayon sa Cavite na 5pm to 8pm lang pinapayagan ang pagvivideoke.

Ayon kay Remulla, ang polisiya ay para sa mga naka-work from home at mga estudyanteng nag-oonline class.

ADVERTISEMENT
Makabubuti ito sa kanila para mabawasan din ang ingay tuwing nagtatrabaho o nag-aaral, ayon sa gobernador.

May ilang nagpaparenta ng videoke na binabalak nang ibenta na lang ang kanilang videoke units kung hindi rin mapakikinabangan.

Mayroon din namang mga umaasa namang darating ang panahon na muling papayagan ang paggamit ng videoke, habang ang iba naman ay nagsabing malaking kabawasan ang mawawalang mga suki nila sa Cavite kaya hahanap na lang sila ng ibang customer sa Las Piñas, Parañaque at Pasay.

Wala pang opisyal na ordinansa para gawing 24/7 ang pagbabawal ng videoke sa Cavite pero ayon kay Gov. Remulla, inaatasan na niya ang kapulisan para magbantay at mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa sa limitadong paggamit ng videoke.

Sa ilalim ng Cavite Provincial Ordinance No. 304-2020, pagmumultahin ng P1,000 o maaring makulong hanggang 30 araw ang mga mahuhuling gagamit ng videoke sa Cavite.

Read More:
Cavite
videoke
Jonvic Remulla
online class
work from home
Tagalog news
karaoke
TV Patrol
Lady Vicencio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT