Mga residente sa barangay malapit sa Taal Volcano, dinala sa mga evacuation center | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga residente sa barangay malapit sa Taal Volcano, dinala sa mga evacuation center

ABS-CBN News
Published Jul 02, 2021 04:54 AM PHT
|
Updated Jul 02, 2021 04:35 PM PHT

Mula nang magdeklara ang Phivolcs ng Alert Level 3 Huwebes sa Taal Volcano, agad lumikas ang mga residente mula sa mga barangay na malapit sa lugar, kagaya ng Buso-buso, Bugaan at Gulod.

Dinala sila sa iba’t-ibang evacuation center sa mataas na lugar sa bayan ng Laurel pero ang iba ay sa mga bayan ng Nasugbu sa Batangas at Alfonso sa Cavite.

Ang mga dinala sa Alfonso ay isinasailalim pa sa antigen swab test sa Pansin Elementary School para malaman kung may COVID positive sa mga lumilikas. Ang mga negatibo sa swab test ay idinediretso sa evacuation centers kagaya ng Manggas Elementary School at Alfonso High School.

Pero ang magpopositibo ay dadalhin naman sa isolation facility sa Alfonso.
Pero ang magpopositibo ay dadalhin naman sa isolation facility sa Alfonso.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Dr. Nelson Soriano, Cavite provincial health officer, puro negatibo ang resulta ng antigen test na dumaan sa kanilang center.

May mga residente naman sa Buso-buso na ayaw pang lumikas. Ang magkakamag-anak na Rodriguez na nakatira sa ibaba ng barangay ay tumigil muna sa kanilang kaanak na nasa mataas na lugar.

Nasa 15 pamilya sila at aabot sa 70 katao. Ang iba ay sa loob ng bahay nanatili pero ang iba ay sa labas ng bahay at sa tabi ng kalye.

Hindi lang muna nila umano maiwan ang bahay dahil sa mga alaga nilang hayop at mga pananim pero nakahanda naman daw silang lumikas agad kapag tumindi ang pag-alburoto ng bulkang Taal. Sa ngayon ay nakikiramdam pa lang sila sa aktibidad ng bulkan.

Ang mga nasa evacuation center naman sa Nasugbu na nanatili sa Bilaran Elementary School ay nasa 16 na pamilya na may 64 na indibidwal mula sa Gulod.

Sa mga larawan sa opisyal na social media account ni Agoncillo Mayor Daniel Reyes, kitang pinulong niya ang PNP, Philippine Air Force, Municipal Social Welfare and Development, Municipal Health Office at iba pang ahensya nitong Huwebes.

Patungkol ito sa magiging aksyon ng LGU sa phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal.

Ipinakita rin ang lugar na pansamantalang titigilan ng mga residente ng 3 barangay sa bayan.

“Inihanda na natin ang pwedeng pansamantalang tigilan ng ating mga kabababayan mula Banyaga, Bilibinwang at Subic Ilaya” ani Reyes.

Sa online press briefing ng Phivolcs, sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na higit 14,000 indibidwal ang inilikas dahil sa aktibidad ng Taal.

Naglabas ng anunsiyo ang tourism at cultural affairs office ng Batangas na umiwas muna ang mga turista sa mga lakeshore areas sa paligid ng Taal Volcano.

Tiniyak naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na masusunod ang protocols sa mga evacuation center sa harap ng banta ng COVID-19.

Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development ng mga dagdag na tent sa Laurel, Batangas para hindi magdikit-dikit ang evacuees.

Sapat din aniya ang pagkain para sa kanila.

Ayon pa kay Timbal, kusang lumilikas ang mga residente at hindi pa kailangang magpatupad ng forced evacuation.

"Last year, noong tumahimik si Taal, ginamit naming opportunity yan para plantsahin pa ang emergency plan. Inidentify na ang lahat ng mga evacuation center na pwedeng puntahan ng ating mga kababayan at inactivate na as of yesterday," ani Timbal.
"Si DSWD ay nagdeploy ng karagdagang mga tent na pwedeng magamit para masigurado na 'yung ideal na one tent one family system ay maisagawa para ma-observe pa rin ang physical distancing doon sa mga evacuation site," dagdag niya.

—Ulat nina Wheng Hidalgo, ABS-CBN News; Andrew Bernardo
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT