Alert Level 3: Taal Volcano nag-aalboroto, ilang residente pinalilikas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert Level 3: Taal Volcano nag-aalboroto, ilang residente pinalilikas

Alert Level 3: Taal Volcano nag-aalboroto, ilang residente pinalilikas

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 01, 2021 09:16 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Nagkaroon ng "magmatic intrusion" ang Taal Volcano sa crater nito nitong Huwebes na maaaring mauwi sa pagputok, ayon sa Phivolcs, dahilan para itaas ang alerto dito sa level 3.

Ang Alert Level 3 ay nangangahulugang may "magmatic unrest" sa bulkan.

"At 3:16 p.m., the Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake," ayon sa abiso ng Phivolcs.

Sabi ng Phivolcs, matinding inirerekomenda ang paglikas ng mga residente sa Taal Volcano Island at mga barangay sa Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa banta ng volcanic tsunami.

ADVERTISEMENT

Nitong linggo, naiulat na ng Phivolcs ang mataas na lebel ng sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan.

Sinabayan pa ito ng volcanic smog na umabot sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

Huling nambulabog ang Taal Volcano noong Enero 2020, kung saan nagkaroon ito ng steam-driven eruption na nagresulta sa ash fall sa maraming probinsiya.

Umabot sa 700,000 ang na-displace dahil sa naturang aktibidad ng bulkan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.